OCVAS namahagi ng f1-gilt sa iba’t ibang barangay
Isa na namang kabuhayan ang ipinagkaloob ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS) sa pamamagitan ng F1-Gilt Dispersal Program nito kung saan may 41 beneficiaries mula sa iba’t ibang barangay ang tumangap ng tig-isang baboy.
Ang ipinamahaging F1- gilt ay isang high breed na inahining baboy na walong buwan ang edad. Ito ay may timbang na 80 kilo at pataas at inaasahang manganganak sa susunod na taon na karaniwan ay sampu o higit pa ang mga biik.
Sa ilalim ng programang ito, kapag nanganak na ang F1- gilt, ang isang beneficiary ay magbabalik sa OCVAS ng isang inahining biik na siyang aalagaan at ibibigay naman sa iba pang maaring makinabang.
Ayon sa OIC ng OCVAS na si Dr. Macario Hornilla, bago ipamahagi ang mga baboy ay sumasailalim muna sa isang orientation seminar ang beneficiaries upang ipaalam ang mga detalye ng programa at ang mga nakasaad sa kontrata. Itinuturo rin ang tamang pag-aalaga ng mga inahing baboy at tamang pangangasiwa ng dumi ng mga ito upang hindi makasira sa kapaligiran