Best PNP sa Calabarzon

BATANGAS CITY-Nahirang ang Batangas City PNP bilang Best City Police Station sa Calabarzon dahilan sa outstanding performance nito sa kampanya laban sa droga noong 2016.

Kinilala rin ang pagpapahalaga at pagsunod nito sa PNP mission na ipatupad ang batas, maiwasan at ma control ang krimen, mapanatili ang katahimikan at kaayusan, maseguro ang kaligtasan ng publiko at ang seguridad sa aktibong suporta ng komunidad.

Ang awarding ay ginanap sa pagdiriwang ng 116th Police Service Anniversary na ginanap noong August 18 sa Police Regional Office Calabarzon Headquarters, Camp Vicente Lim sa Calamba City kung saan ang tema ng pagdiriwang ay “Buhay ng Pulis Handang Ibuwis para sa Katahimikan at Kaayusan ng Bayan”.
Tinanggap nina PSupt. Norberto Batoon Delmas, acting chief ng Batangas City Police at SPO4 Jayn Q. Gonda, CESPO, ang parangal mula kay Police Director General Ronald Dela Rosa na siyang panauhing pandangal at tagapagsalita sa nasabing pagdiriwang at Police Regional Director Ma. O Ranada Aplasca.

the noblest motive is the greatest good for the greatest number