Tanauan Update

Mula kay Mayor Thony C Halili, Mayora Gina Halili at sa kanyang Pamilya ang pagbati ng Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon sa lahat.
SAGWAN TANAUAN, HARI NGDRAGONBOAT
 Itinanghal na Overall Champion ang Sagwan Tanauan Dragonboat Team matapos talunin ang mga nakatunggaling batikang paddler at hakutin ang kampeonato sa apat na series ng katatapos lamang na 2017Philippine Canoe Kayak Dragonboat Federation(PCKDF) Club Crew Challenge (Men’s Category) na ginanap sa Baywalk, Manila Bay noong December 10, 2017. Dahil sa kanilang iniuwing karangalan, mainit na pagbati at  papuri ang ipinabatid ni Mayor Antonio C. Halili nang bumisita sa kanyang tanggapan ang koponan para ipresenta ang kanilang nakuhang tropeyo. Kasama rin sa larawan si Sports Development Commissioner Tato Dimayugana patuloy ang pagpapamalas ng suporta sa mga manlalarong Tanaueño. (CIO Tanauan/LACV | Photo Courtesy: Jun Mojares | December 14, 2017)

Si Mayor Thony C Halili habang kausap si Presidente Rodrigo Roa Duterte at si OIC Secretary Catalino Cuy ng DILG at Napolcom.

Naiparating ni Mayor Halili kay Presidente na naisama na naman sya sa Listahan kasama ang iba pang Mayor.
Nakangiti pa si Pangulong Duterte kay Mayor Halili na binanggit sa kanya na NAPULITIKA ka. Sinabi ni pangulong Duterte kay Mayor Halili na kausapin nya si Secretary Cuy, na agad naman nyang ginawa ng oras din na iyon.

63rd General Assembly ng League of Cities of the Philippines na kung saan ay si President Rodrigo Roa Duterte ang syang Guest Speaker nakausap ni Mayor Halili

Isinagawa ang ika 63 General Assembly ng League of Cities of the Philippines na kung saan ay si President Rodrigo Roa Duterte ang syang Guest Speaker.

Sa isinagawang programa ay nagbigay ng mensahe si Chairwoman Mayor Lani Cayetano, at League President Mayor Ed Pamintuan bago ipakilala si Presidente Duterte ni Sec Catalino Cuy ng DILG.

Nagkaroon naman ng pagkakataon si Mayor Thony C Hlili na makausap ng Personal si Presidente Rodrigo Roa Duterte at nabanggit nga nya kay Pangulong Digong na isinama na naman sya sa Listahan kasama ang ibang mayor.

 

Pamahalang Lungsod ng Tanauan binigyan muli  ng Suporta si Mayor Thony C Halili 

 

Sa isinagawang Flag Ceremony ng Pamahalang Lungsod ng Tanauan ay binigyan muli ng mga Suporta at patotoo si Mayor Thony C Halili na ang mga paratang ay walang katotohanan kung kaya

Ang Sangguniang Panlungsod ay naglabas ng Resolution bilang pagsuporta sa mga Programa ng ating Mayor.

Ang mga Department Heads sa pangunguna ni City Administrator ay lumagda sa isang Manifesto ng pagsuporta kay Mayor Halili, at hindi sila nainiwala sa mga paratang sa mayor. Maging si DILG Officer Mrs Marissa Marasigan ay nagpahayag na ang mga bintang kay mayor Halili ayon sa kanilang isinagawang Imbestigasyon ay walang katotohanan. at maging ang City Peace & Order Council ay gumawa ng Manifesto na pinasisinungalingan nila ang Bintang kay mayor Halili, na pinirmahan naman ng mga miyembro ng CPOC members. Kapansin pansin naman na ang mga Empleyado ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan ay nakasoot ng kulay Putting Damit, bilang pagsuporta kay Mayor Thony C Halili.

Hinamon naman ni Mayor Thony C Halili ang Police Intelligence Officer na nagbigay ng Inimbentong Intelligence Report na maglabas ng Ibidensya na sya ay sankgkot sa Illegal na Droga at bibigyan nya ng 1 milyong piso.
Idinagdag pa ni Mayor Halili na sya ay magreresign kapag mapapatunayan na sya ay may koneksiyon o may Transaksiyon kay Mayor Violago ng San Rafael, Bulacan, sapagkat ditosya isinasangkot ng gumawa ng Inimbentong Intelligence report !

Mga Sumuporta sa isinagawang Walk of Truth Pinasalamatan

Tanauan City – November 13, 2017 Sa isinagawang Flag Ceremony ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan ay pinasalamatan ni City Administrator Atty Jun Jun Trinidad ang lahat ng mga Sumuporta sa isinagawang Walk of Truth.

Nagpakilala naman sa harap ng mga Empleyado ang bagong Acting Chief of Police na si PSUPT Renato C Mercado

Bumisita sa opisina ni Mayor Thony C Halili ang mga Daycare pupil kasama ang kanilang mga Magulang.

Bumisita sa opisina ni Mayor Thony C Halili ang mga Daycare pupil kasama ang kanilang mga Magulang.
Nagpahayag ang mga magulang ng mga batang masa Daycare ng kanilang suporta kay Mayor, at ang isang magulang ay personal na nagpasalamat sa ating mayor dahil sa ang isa nyang kamaganak ay napagbago ni mayor at umalis na sa masamang bisyo.

Meeting Ng  Liga ng Mga Barangay Dinaluhan  ni Mayor  Halili.

 Tanauan Muling isinagawa ang meeting ng Liga ng Mga Barangay na pinangunahan ni ABC President Polmark L Fajardo. Katulad ng mga isinagawang miting ay dinaluhan ito ni Mayor Thony C Halili. Tinalakay ni Mayor sa kanilang mga pagpupulong na bagamat pansamantala ay inalis sa PNP ni Pangulong Duterte ang kampanya sa pagsugpo sa mga Illegal na Droga ay ipinahayag ni Mayor tuloy ang Kampanya laban sa Illegal na Droga, sa kanyang Administrasyon sa tulong ng LMB.

University of the Philippines Los Baños Visits Mayor Thony Halili

Tanauan. Nagsagawa ng Bench Marking ang mga taga University of the Philippines Los Baños sa HR ng CityGovernment of Tanauan. Nagcourtesy visit din sila sa opisina ni Mayor Thony C Halili, at malugod naman nilang nakapanayam ang ating mayor.

Elderly Celebrated

LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas-  Mahigit tatlong libong (3,000) miyembro ng Senior Citizen’s Federation mula sa 48 barangay ng lungsod na ito ang nagtipon-tipon sa naging matagumpay na pagdaraos ng “Elderly Week Celebration 2017” noong Oktubre 6, 2017 sa Gymnasium II ng Old City Hall Compound.

Sina OSCA President Nicolas M. Chavez kasama sina Former Tanauan Mayor Francisco “Paquito” Lirio at mga Senior Citizen Federation Presidents na sina Conrado Tolentino ng Brgy. Trapiche, Fidelino Cabrera ng Brgy. Suplang at Gaudencio Maunahan ng Brgy. Santol. (Photo Courtesy: Roderick P. Lanting | CIO Tanauan)

Sa temang “Pagkilala sa Kakayahan – Ambag at Paglahok ng Nakakatanda sa Lipunan” na pinangunahan ng Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA) sa pamumuno ni G. Nicolas M. Chavez at sa pakikipagtulungan nina Punong Lungsod Antonio C. Halili, Pangalawang Punong Lungsod Atty. Jhoanna C. Corona at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, isinagawa ang nasabing pagdiriwang.

Buong pagmamalaki na ipinahayag ni Punng Lungsod Thony Halili na mula sa 6,000 miyembro ng senior citizen buhat nang siya ay manungkulan taong 2013 ay higit pang lumaki ang bilang ng mga ito na ngayo’y nasa mahigit 17,000 na. Ito ay sa kadahilanang napakaraming benepisyo ang naitatala ng pamunuang lungsod para sa mga nakakatandang mamamayan. Ilan na rito ang mortuary services, social pension, Philhealth, mga libreng gamot, at birthday cash gift.

Lubos na pasasalamat naman ang tinuran ni Pangalawang Punong Lungsod Jhoanna Corona at nangako na kaisa ang buong SP ay magpapatuloy sila sa pag-aaral upang makapagpasa ng mga ordinansa na mag-aangat ng kabuhayan at mangangalaga sa karapatan ng mga senior citizen.

Kinatawan naman ni dating Tanauan Mayor Francisco “Paquito” Lirio si Batangas Governor Hermilando Mandanas na siyang panauhing pandangal. Ibinahagi nito na aprubado na ang pension na ipagkakaloob ng pamahalaang panlalawigan sa mga retiradong barangay captains na sisimulan sa Enero 2018.

Ilan pa sa mga serbisyong tinanggap ng mga dumalong matatanda ang medical check-up kasama ang blood chem at ECG gayundin ang pagbili ng mga branded na gamot sa murang halaga.

Ipinarating rin ni G. Chavez sa mga miyembro na 40,000 sako ng 5 kilong bigas ang ipinahahanda na ni City Mayor Halili para ibigay sa mga senior citizen members ngayong Disyembre.

Lubos ang kasiyahan ng mga nagsidalo makaraang magsagawa ng “raffle draw” kung saan ang mga papremyo ay pinag-ambag ambagan nina City Mayor Antonio C. Halili kasama sina Batangas Vice Governor Sofronio “Nas” Ona, 3rd district Congresswoman Ma. Theresa V. Collantes, 3rd district Board Members Alfredo C. Corona at Devs Balba, at City Councilors na sina Ben Corona, Herman Trinidad at Lim Tabing.

 

 First Educational Summit Idinaos
Idinaos ang 1st Educational Summit ng DEP ED Tanauan City o State of Division Address.
 Pinangunahan ito ni Tanauan City Schools Division Superintendent Edna Faura Agustin.
 Dinaluhan ito ni Mayor THony C Halili at ng kanyang Chief of Staff Mr Kaysee Saniano at ng mga Kapitan ng Barangay.
 dumalo din sa isinagawanga Summit sina Atty Elize Pascua, OIC ASDS Shirlet Siman, SGOD CHIEF Mr Jun Custodio at CID Chief Edna Mendoza

INAUGURATION OF NEW TANAUAN CITY HALL BUILDING

Pinasinayaan na ang Bagong City Hall Building sa kanyang bagong Location sa Laurell Hill, sa Barangay Natatas, Lungsod ng Tanauan.


Makikita ang kakaibang Disenyo nito , na matatanaw mula sa A. Mabini Highway.

Pinangunahan ni Mayor Thony C Halili at ASEC Jonas George Soriano ang naging panauhing pandangal na isa sa nagpasinaya ng ating Bagong City Hall, na dinaluhan din nila Vice Mayor Jhoanna Corona kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na sina Konsehal Ben Corona, Konsehal Eric Manglo, Konsehal Rizaldrin Epimaco Magpantay, Konsehal Gileen Canobas Manaig, Konsehal Joseph Castillo, Konsehal Jun Goguanco, Konsehal Angel Atienza, Konsehal Herman Trinidad, Konsehal Sammy Platon, Konsehal Lim Tabing at ABC President Polmark L Fajardo.

Dumalo din sa isinagawang Inagurasyon sina Mr Totie Torres at Dra Nora Torres, Mr Jun & Mrs Nila Rafer, at Atty Nanie Aquino at Former Mayor Sonia Torres Aquino, kasama ang kanilang mga Pamilya.

Division Battle of Minds & Talent

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika 153 taong kapanganakan ni Gat Apolinario Mabini ay iba’t ibang mga Programa ang inilunsad upang gunitain ang Dakilang Tanaueño.
Ang DEP ED ay nagsagawa ng programang Division Battle of Minds & Talent na nilahukan ng mga magaaral sa iba’t ibang antas. Nagpakita sila ng kanilang mga husay na kitang kita ang kanilang mga Talento. Ito ay isinagawa sa Mabini Shrine sa Barangay Talaga na Dinaluhan ni Mayor Thony C Halili , Vice Mayor Jhoanna Corona at ng mga Konsehal ng Lungsod na sina Konsehal Ben Corona, Konsehal Angel Atienza, Konsehal Lim Tabing, Konsehal Jun Goguanco,Konsehal Herman Trinidad, Konsehal Eric Manglo, Konsehal Sammy Platon.
Ang DEP ED Tanauan City ay pinangunahn ni SDS Edna Faura Agustin kasama ang kanilang mga Supervisor.
Dinaluhan din ito ng mga Opisyales ng Barangay Talaga sa pangunguna ni Kapita Rico Talagsad na isa sa mga apo ni Gat Apolinario Mabini.

Muli na namang tatanggap ng Award ang Lungsod ng Tanauan mula sa DILG bilang Regional Awardee for the 2016 Seal of Child-Friendly Local Governance (SSCFLG) na kungsaan ang Lungsod ng Tanauan ang nagkamit ng Ikalawang Pwesto sa City Category sa buong CALABARZON na pinangunahan ng Tagaytay City.

TANAUAN ULTRA MODERN CITY HALL  BUKAS NA

CIO Tanauan/ LACV 

LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas – Matapos ang higit isang taon na paghihintay, handang-handa na ang lokal na pamahalaan ng lungsod na ito na i-okupa ang bagong tayong “ultra-modern” city hall sa Hulyo 3, 2017.

Ang tatlong-palapag na istrukturang na may kabuuang floor area na 12,650 metro kwadrado ay itinayo sa 3-hectare property sa tugatog ng Laurel Hill sa Barangay Natatas na ipinagkaloob sa mga mamamayang Tanaueño ng angkang Torres, na kinabibilangan ng mga pamilya nina Gng. Nila Torres-Rafer, dating Mayor Sonia Torres-Aquino, at G. Feliciano ‘Totie’ Torres.  Ang nasabing gusali ay dinisenyo bilang isang “green building” o energy-efficient at “persons with disability (PWD)-friendly”.

Ang pagpapatayo ng bagong city hall ay ang nakikitang oportunidad ng pamahalaang lungsod para palawakin ang ‘urban center’ ng lungsod, mabawasan ang pagsisikip sa mga pangunahing kalsada, magsilbing susi sa pagtatayo ng mga bagong negosyo sa lugar, at makalikha ng mga trabaho para sa mga unemployed.

Isasagawa naman ang inagurasyon ng naturang istraktura kasabay sa pagdiriwang para sa ika-153 taong kapanganak ng isa sa mga pambansang bayani at “Dakilang Lumpo” na si Gat. Apolinario Mabini sa darating na Hulyo 23, 2017.

Samantala, patuloy pa rin ang konstruksyon ng “people’s park” na inaasahang makukumpleto bago ang pagpapasinaya ng bagong city hall.

Ang P400-milyong proyektong ito ay pinondohan ng pautang mula sa Land Bank of the Philippines.(CIO Tanauan/ LACV )

Tanauan City Batters gain World Series

CIO-Tanauan/ LACV | June 20, 2017

Handog ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan
December Events
Plaza Mabini

Members of the Tanauan City Mustang-9(above) and Junior Softball Girl teams(below) after winning the 2017 PONY Asia-Pacific Baseball Championships last June 9-11, 2017 and 2017 Little League Asia Pacific Softball Championship last June 14-18, 2017, both held in Singapore. (Photo Courtesy: PONY Baseball and Softball’s Facebook Page and Mr. Tato Dimayuga).

TANAUAN CITY, Batangas – “Two teams competing in two entirely different leagues. Yet the results were both telling and crushing.”

This was how Mayor Antonio C. Halili described the performance of Tanauan City’s Mustang 9 and Junior Softball Girl teams who took home the crowns in the recently concluded 2017 PONY Asia-Pacific Baseball Championships (Mustang 9) on June 9-11, 2017 and 2017 Little League Asia-Pacific Softball Championships on June 14-18, 2017, both held in Singapore.

Competing for the first time in an international tourney, Tanauan City softbelles showed no sign of jitter after routing China (20-3), Singapore (16-2) and Indonesia (20-0) in the eliminations, and blanking Singapore (16-0) for the championship.

Earlier, the city’s Mustang 9 team went unscathed, giving away just 4 points to their opponents while piling up 87 homeruns in capping a three-year dominance of the tournament by the Tanaueño kids. The team twice downed Indonesia (18-1 and 12-2) and host Singapore (18-0 and 17-0) during the eliminations, before crushing Indonesia (22-1) in the finals.

Both teams will be representing the Philippines and the Asia-Pacific zone in the upcoming World Series slated on July 27-30, 2017 in Walnut, California, USA for the PONY Baseball Championships and on July 30 – August 5, 2017 in Kirkland, Washington, USA for the Little League Softball series.

In the Mustang 10 division, Tanauan City’s other team, however, failed in their 3-feat try after bowing to Indonesia (4-7) in the championship round.

TCC may bagong kursong bubuksan sa SY 2017-2018

Louise Anne C. Villajuan | March 15, 2017

LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas – Matapos maaprubahan ng Commission on Higher Education (CHED), bubuksan na ng Tanauan City College (TCC) ang panibagong kursong Bachelor of Science in Public Administration (BSPA) sa darating na school year 2017-2018.

Ang 4-year degree program na ito ay dinisenyo upang mabigyan ng pagkakataon ang mga undergrad na empleyado ng pamahalaang lungsod ng Tanauan, gayun din ang mga barangay officials, na makakumpleto ng kursong naaayon sa kanilang mga katungkulan.

Bukod sa kursong BSPA, iniaalok din ng TCC ang mga kursong Bachelor of Technical Teacher Education (BTTE) major in Automotive Technology, Electrical Technology at Electronics Technology, Bachelor of Science in Entrepreneurship (BS Entrep) at Bachelor of Science in Computer Engineering (BSCpE).

Katulad naman ng naunang pahayag ng CHED, nais ng TCC na paalalahanan ang mga out of school youths na nakapagtapos na ng highschool bago mag 2016 na mag-enrol na sa kolehiyo bago mag 2018 kung hindi’y mapipilitan silang bumalik sa Senior High School.

DALAWANG CENTENARIANS, PINARANGALAN SA TANAUAN – Iginawad ng pamahalaang lungsod ng Tanauan ang ‘centenarian award’ kina Apolonia V. Perez, 100 taong gulang ng Brgy. Santor, at Julia L. Ariola, 104 taong gulang ng Brgy. Maugat, sa isinagawang flag raising ceremony noong Marso 3, 2017. Dahil sa patuloy na pagsuporta ng gobyerno sa mga senior citizens, tumanggap ang bawat isa sa kanila ng P100,000.00 mula sa national government sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development at P20, 000 mula sa opisina ni Governor Hermilando I. Mandanas ng pamahalaang panlalawigan ng Batangas. Dagdag pa rito, kaugnay sa isinulong na ordinansa ni Konsehal Benedicto C. Corona na naglalayon na mabigyan ng karangalan at karagdagang benepisyo ang mga centenarians sa lungsod, pinagkalooban ng cash incentive na nagkakahalagang Php 50,000.00 mula sa pamahalaang lungsod ng Tanauan sila Perez at Ariola. Sa kasalukuyan, mayroong nang limang centenarians sa lungsod na ito. (Louise Anne C. Villajuan | Photo Courtesy: Jun Mojares – CIO Tanauan)

Pagpapasigla ng farm tourism

LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas—Isang malawakang pagpupulong ang idinaos sa Brgy. Gonzales noong Enero 24, 2017 na dinaluhan ng iba’t-ibang sektor mula sa anim na barangay na nasasakupan ng lakeshore upang balangkasin ang mga proyekto para mapag-ibayo ang industriya ng farm tourism sa lugar.

Ang pagpupulong na ito ay isa lamang sa mga programa na isinusulong ng pamahalaang lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni Mayor Antonio C. Halili, kasama ang buong Sangguniang Panglungsod, upang mapagbuklod ang mga magsasaka at iba pang stakeholders tungo sa pagsusulong ng mga makabuluhang inisyatiba para sa pagpapasigla ng industriya ng turismo partikular ang farm tourism.

Layunin din nito na iangat ang antas ng pamumuhay ng mga mamamayan ng Tanauan sa pamamagitan ng kanilang direktang pakikibahagi sa pagpapalago ng turismo. Maisasakatuparan ito sa pamamagitan ng pagpapaulad ng mga farm practices, pagsasagawa ng mga alternative recreational facilities at iba pang mga aktibidad na pwedeng pagkalibangan.

Kabilang sa mga nabuong plano ay ang pagpapalinis ng baybayin ng lawa. Dagdag pa rito, ang pagtatanim ng mga prutas at gulay, horseback riding, carabao riding, paglalagay ng mga karagdagang water activities maliban sa dragonboat at kayaking, at ‘pick and pay’ ng mga prutas at gulay ang ilan lamang sa mga natukoy na maaaring gawin sa lakeshore barangays. Sinigurado naman ng mga magsasaka at iba pang stakeholders ang buong suporta at pakikiisa sa pagsasagawa ng lahat na napagkasunduan sa nasabing pagpupulong na ito.

Ayon nga kay Vice Mayor Jhoanna C. Corona, sa kanyang ipinaabot na mensahe, “patuloy ang panglulunsad natin ng programa at proyektong makatutulong upang mapatatag ang sistemang pansakahan natin”. Dagdag niya pa, ang ganitong uri ng programa ay makakatulong sa turismo sa pamamagitan ng pagtampok ng ganda at yaman ng ating lakeshore barangays.

Sa suporta at pakikiisa ng mga mamamayan, magiging kaakibat ng pagsulong ng turismo, ang pagsulong ng mga mamamayang Tanaueño.

Expand with two fingers to read news below

 

the noblest motive is the greatest good for the greatest number