World Market & local Industries

INDUSTRIYA NG GOMA, PASOK SA WORLD      MARKET

 
“NAKAPANGHIHINAYANG ang potensyal ng bansa na manguna sa industriya ng goma sa buong mundo kung hindi ito pagtutuunan ng pansin ng pamahalaan gayung isa ito sa pinakamalaking negosyo at kalakaran sa larangan ng pagkain, transportasyon at bahagi ng iba pang teknolohiya, na maaaring magpaunlad ng ating ekonomiya”, ito ang sambit ni Rep. Isagani S. Amatong (3rd District, Zamboanga del Norte) na siyang namumuno ng technical working group (TWG) na nasa ilalim ng House Committee on Agriculture and Food para ayusin ang panukalang lilikha sa Philippine Rubber Industry Development Board (PhilRubber). 
 

Layunin ng panukalang House Bill 2912 na iniakda ni Amatong na patatagin ang produksyon ng goma sa buong bansa, mapabuti ang kalidad nito at gawing competitive ang rubber industry hindi lamang pambansa, kungdi sa pandaigdigang pamilihan. Matatag aniyang umuunlad ang pangangailangan sa natural rubber dahil sa taong 2013, tinatayang aabot sa 11.3 milyong metriko tonelada ang bulto ng goma na kailangan sa merkado. Sa ngayon, tinataya ng IMF na umaabot na ito sa 11.9 milyong metriko tonelada at sa 2020 ay maaaring aabot  ito sa 15.4 milyong metriko tonelada.

Sumang-ayon ang mga miyembro ng Committee on Agriculture and Food sa pamumuno ni Rep. Jose T. Panganiban, Jr. (ANAC IP Partylist) sa panukalang gawing isang sangay na ahensiya ng Department of Trade and Industry (DTI) ang PhilRubber na may inisyal na pondong P200 milyon na igagawad ng Kongreso upang pamahalaan ang industriya ng goma.


 PHILIPPINE RUBBER INSTITUTE NILIKHA

Tiniyak ni Panganiban na hindi magiging katulad lamang ng tungkulin ng PhilRubber ang Philippine Rubber Research Institute  na nilikha sa ilalim ng Republic Act 10089 at ng Philippine Rubber Industry Development Authority na iminungkahi sa ilalim ng House Bill 4064, na kasalukuyang nakabinbin sa House Committee on Government Reorgani zation. Samantala, ipinaliwanag ni Director Sitti Amina Jain ng DTI National Rubber Industry Cluster Coordinator (NRICC) ang kaibahan sa pagitan ng RA 10089 at HB 2912 na hindi aniya ito magiging magkatulad at hindi magkakaroon ng hindi pagkakasundo ang kani-kanilang mandato. Sa House Bill 4064 na iniakda ni Rep. Makmod D. Mending Jr. (AMIN Partylist) na nakabinbin ngayon sa Committee on Government Reorganization, layon nitong magtatag ng Philippine Rubber Industry Development Authority upang magkaroon ng direksyon ang lahat ng nauukol sa rubber industry at gawin itong competitive sa merkado.  

ISLA VERDE BULI WEAVING & CRAFTS

TUMANGGAP NG AWARD

Tumanggap ng Bangon Kabuhayan 2017 Plaque of Appreciation mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region IV-A ang Buli Weaving and Crafts ng grupo ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (Pantawid) ng San Agapito, Isla Verde bilang top five sustainable project.

Ang plake ay iginawad sa Regional Presentation and Awarding Ceremony noong February 2 sa Pasay City.

Kinilala bilang top 5 sustainable project ang paggawa ng mga produkto mula sa buli tulad ng banig, bayong, sumbrero at iba pa na pangunahing pangkabuhayan ng mga Pantawid beneficiaries.

Ayon kay Cleofe Panopio, pangulo ng Pantawid beneficiaries ng San Agapito, natutugunan ng proyekto ang mga pang-araw-araw na pangangailangan ng pamilya at pag-aaral ng kanilang mga anak. ” Kung maramihan ang order ay kumukuha kami ng produkto sa mga kalapit barangay, kung kaya’t nabibigyan rin namin ng pagkakakitaan ang mga residente dito,” sabi ni Cleofe.

Patuloy na nakikilala ang mga produkto ng Pantawid beneficiaries ng San Agapito mula sa mga trade fair na kanilang dinadaluhan sa iba’t ibang lugar. Dumarami na rin ang kanilang parokyano sa mga pribado at pampublikong ahensya at maging sa mga palengke sa ibang bayan at lungsod ng Batangas kagaya ng Lipa City.

Ang paggawa na ng produkto mula sa buli ang pinagkakakitaan ng mga taga- san Agapito bago pa man mabuo ang Pantawid beneficiaries limang taon na ngayon. Ang grupo ay may 23 miyembro.

Kabilang sa mga plano ng grupo ay makakalap ng karadagang puhunan, makadalo sa mga buli weaving and crafts training-seminar upang maitaas ang kanilang kasanayan at higit na mapaganda ang kanilang mga produkto. Hangad din nila na makapag export ng mga nito. (PIO Batangas City)

Image may contain: text

the noblest motive is the greatest good for the greatest number