Sto Tomas Update

Santo Tomas First Philippine Industrial Park – FPIP Blessing and Ribbon Cutting

 
Patunay ng patuloy na pagkaka-isa at pagtutulungan ng Pamahalaang Lokal ng Sto. Tomas at pamunuan ng First Philippine Industrial Park – FPIP ay matagumpay na naisagawa ang Blessing and Ribbon Cutting of New Guard Houses and Pedestrian Footbridge sa Gate 1 nito. Ito ang pangunahing hakbangin sa ilalim ng Public Private Partnership upang tuluyang malunasan at maibsan ang traffic congestion sa kahabaan ng Maharlika Hi-way. Ito rin ang mabisang pamamaraan upang maisaayos at masiguro ang kaligtasan ng mga commuter at tumatawid sa kalsada. Present sina Kgg. Vice Mayor Armenius O. Silva at Municipal Councilor Renante V. Arcillas na kumatawan kay KGG. Mayor Edna P. Sanchez.
Erich S. Rodillo – PIO Sto. Tomas, Batangas Photos by: Mr. Rommel R. Martinez & Mr. Lloyd Mark V. Malunay

STO TOMAS MUNICIPALITY GETS AWARDS

Kasabay ng regular na flag raising ceremony tuwing lunes ng umaga ay pinangunahan nina KGG. Mayor Edna P. Sanchez, Kgg. Vice Mayor Armenius O. Silva at Sangguniang Bayan Members ang pagbibigay pugay at taos-pusong pasasalamat sa patuloy at matatag na pagkakaisa ng lahat ng mga empleyado ng Pamahalaang Lokal ng Sto. Tomas, kung kaya’t nakamit nito ang sumusunod na pagkilala at mga parangal;

1.    Best Municipality in Good Governance (1st to 3rd Class Category) mula sa Provincial Capitol of Batangas
2.   2016 Municipal Nutrition Green Banner Award and Outstanding Municipality in the Province mula sa National Nutrition Council and Department of Health
3.   Gawad Saka Outstanding Organic Farmer at Gawad Saka Outstanding Corn Grower mula sa Provincial Government of Batangas

NATIONAL CHILDRENS MONTH PHOTO CONTEST

Kabataang Tomasino; Galing at husay ay iyong ipamalas..
Halina at Sumali ng makilala at maitampok sa magiging Lungsod ng Sto. Tomas!

Barangay Development Plan & Budget Using CBMS Data. 

Bahagi ng preparasyon at paghahanda ng Pamahalaang Lokal ng Sto. Tomas sa nalalapit nitongpagiging lungsod ay matagumpay na naisakatuparan ang (4) day Community Based MonitoringSystem (CBMS) Training na may layuning ituro at sanayin ang mga Barangay Officials at mga Volunteer Workers pagdating sa Barangay Development Plan & Budget Using CBMS Data. Suportado ito nina KGG. Mayor Edna P. Sanchez, Kgg. Vice Mayor Armenius O. Silva,Sangguniang Bayan Members at Municipal Administrator Atty. Arth Jhun A. Marasigan nanagpahayag ng masidhing suporta atPakikiisa ng Pamahalaang Lokal sa patuloy na pag-unlad ng komunidad at mamamayan.

Ang nasabing pagsasanay ay pinangasiwaan ng Municipal Planning and Development Office at Municipal Budget Office.

Erich S. Rodillo – PIO Sto. Tomas, Batangas
Photos by: MPDC Staff

MGA TOMASINO NA NAGKAMIT NG KARANGALAN  SA 2017 Division Sports and Athletic Meet na ginanap sa Batangas Sports Complex, Bolbok, Batangas City

Masayang nagtungo sa tanggapan ni KGG. Mayor Edna P. Sanchez ang mga guro, mga coaches at mga mag-aaral mula sa iba’t-ibang paaralang elementarya at sekundarya bitbit ang magandang balita ng kanilang pagka-panalo at pagkaka-sungkit ng iba’t-ibang karangalan at pwestoSa  katatapos lamang na 2017 Division Sports and Athletic Meet na ginanap sa Batangas Sports Complex, Bolbok, Batangas City. Iba’t-ibang sports at palakasan ang sinalihan ng bawat mag-aaral  kung saan lahat sila ay nagkamit ng karangalan. Tunay na sinusuportahan ng ating Pamahalaang Lokal ang mga ganitong aktibidad at gawain ng Department of Education, kung saan buhos ang tulong at ayuda para masiguro ang kapakanan ng kabataang tomasino.

Erich S. Rodillo – PIO Sto. Tomas, Batangas
Photos by: Mr. Rommel R. Martinez

Sto Tomas JOB FAIR 2017

Sto Tomas September 19, 2017 Ikinasa ang malawakang job fair ng Pamahalaang Lokal ng Sto. Tomas: Public Employment Service Office na sinuportahan ng mga ahensya mula POEA, DOLE at Provincial PESO. Dinaluhan eto ng 31 kumpanya mula FPIP, LISP3 at iba pang kumpanya sa loob at labas ng Sto. Tomas at 3 Overseas. Isa lamang eto sa mga programang Empleyo ng ating Kgg. Mayor Hon. Edna P. Sanchez. Nakapagtala ng 1,060 registered applicants kung saan 155 o (15%) ang Hired on the Spot .Sto Tomas Hon. Mayor Edna P. Sanchez signed a Memorandum of Understanding with MERALCO

Energizing Partnerships: The Local Government of Sto. Tomas headed by Hon. Mayor Edna P. Sanchez signed a Memorandum of Understanding (MOU) with the Manila Electric Company (MERALCO). This MOU is a part of MERALCO’s Energizing Partnerships Program that will result for more collaborative projects in Sto. Tomas, Batangas.

Present at the MOU signing were Municipal Administrator Atty. Arth Jhun A. Marasigan, Municipal Councilor Hon. Renante V. Arcillas, Meralco VP Mr. Ferdinand Geluz, Mgr. Menrado Raras, Jr. and Mgr. Jonald Sampol together with the LGU department/section heads and Meralco officers. 

Dinagsa ng ating mga ka-barangay mula sa Barangay Santiago ang regular na Medical & Dental Mission @ Talakayan at Ugnayan sa Barangay 2017
Dinagsa ng ating mga ka-barangay mula sa Barangay Santiago ang regular na Medical & Dental Mission @ Talakayan at Ugnayan sa Barangay 2017. Ito ay isa sa mga health priority community based project ng Pamahalaang Bayan ng Sto. Tomas sa pangunguna nina KGG. Mayor Edna P. Sanchez, Kgg. Vice Mayor Armenius O. Silva at Sangguniang Bayan Members.
 Libreng check-up at konsultasyon medikal, bunot ng ngipin, libreng mga gamot, vitamins at iba pang serbisyong medikal, gayundin ang libreng gupit at manicure & pedicure ang hatid nito. Mayroon din mga gift items at freebies na ipinamigay. Present sina Brgy. Chairman Severo Dimayuga at Sangguniang Barangay Members, mga BHW, mga BNS, mga Brgy Tanod at iba pang volunteer workers ng barangay upang mag-assist. Kaalinsabay ng proyektong ito ang pagpapa-unawa sa magiging magandang bunga ng napipintong pagiging siyudad ng Sto. Tomas. Ito ay lumilibot sa bawat barangay, sitio at mga subdivision na nasasakupan ng buong bayan.
Erich S. Rodillo – PIO Sto. Tomas, Batangas    Photos by: Mr. Lloyd Mark V. Malunay & Mr. Romel R. Martinez
Sto. Tomas  Host PESO 3rd Quarter Forum
Magiliw at mainit ang naging pagtanggap ng Pamahalaang Lokal ng Sto. Tomas sa pangunguna nina KGG. Mayor Edna P. Sanchez at Kgg. Vice Mayor Armenius O. Silva sa Batangas Provincial Federation of PESO Managers, Inc. at Department of Labor and Employment. Ito ang kanilang 3rd Quarter Forum kung saan ang Bayan ng Sto. Tomas ang host ng nasabing forum at ito ay dinaluhan ng iba’t-ibang PESO Managers mula sa 31 Bayan, 3 Siyudad ng Lalawigan ng Batangas at School Based PESOs. Tinalakay dito ang patuloy na pagpapalakas ng empleyo, seguridad sa hanap-buhay at pagbibigay ng serbisyo publiko sa mga Batangueno sa larangan ng de-kalidad na hanap-buhay, gayundin ang magandang relasyon sa mga employers at mga kapitalista.
Erich S. Rodillo – PIO Sto. Tomas, Batangas
Photos by: Mr. Lloyd Mark V. Malunay & Mr. Romel R. Martinez

 

the noblest motive is the greatest good for the greatest number