“Isayaw, Isigaw Batangas Lungsod kong Mahal”
( Palakat ) BATANGAS CITY-Nagpabonggahan sa pagsasayaw, sa kanilang makukulay na costumes at props ang mga departamento ng pamahalaang lungsod at ang mga lumahok na paaralan sa street dancing na tinaguriang Sinsay na sa Batangan kung saan binigyang interpretasyon nila ang temang “Isayaw, Isigaw Batangas Lungsod kong Mahal”.
Nagsimula ang street dancing sa Hilltop bandang 8:00 ng umaga patungong P. Burgos St., RizaL Avenue at nagtapos sa Sports Coliseum kung saan nagpagalingan naman sila sa cheer dancing.
Ang mga nanalo sa patimpalak na ito ay ang mga sumusunod:
Government Office category:-City ENRO, first; City Engineer’s Office, second; City Mayor’s Office, third
School: Marian Learning Center and Science High School, first; Balete National High School,second ; at Batangas City East Elem. School,third
Open category: Ama CLC Lipa City,first; Batangas Province High School for Culture and Arts, second ; at The Mabini Academy, third PIO Batangas City