Mayor’s Action Center

Nagdiwang ng anibersaryo , mga kinder students pinasaya

BATANGAS CITY-Ipinagdiwang ng Mayor’s Action Center(MAC) ang unang anibersaryo ng pagkakabuo nito ngayong July 14 sa pamamagitan ng pagbibigay ng kasiyahan sa mga kindergarten students ng Malitam Elem. School.
Sa kanyang maikling pananalita, sinabi ni Congressman Marvey Mariño na “lahat na po ng kailangan ng tao ay pwedeng ibigay ng MAC kagaya ng scholarship, medical at funeral assistance at iba pa ng hindi na kailangang lumibot sa buong City Hall. Sa mga educational assistance na ibinibigay ng pamahalaang lungsod, sinisiguro ko na lahat ng mga batang ito ay makakatapos ng pag-aaral kung gugustuhin nila.”
Binanggit din niya ang ginagawang construction ng bagong three-storey library kung saan magkakaroon ng mga bagong libro, wi-fi at libreng internet para sa mga researchers.


Malugod namang ibinahagi ni Mayor Beverley Rose Dimacuha na ang idea ng ganitong selebrasyon ay buhat mismo sa mga staff ng MAC na binubuo karamihan ng mga kabataan. Natutuwa aniya siya at na developed ang “value of sharing and helping” sa kanyang staff at hinikayat ang mga gurong naririto na ang value ring ito ang itanim sa isip ng mga eskwela.
“Pag nagpunta po kayo sa MAC ituturing kayo bilang pamilya at paglilingkuran kayo ng maayos ng aming staff,” dagdag pa ng mayor.
Naghandog ng puppet show ang ilang personnel ng City Library kung saan itinuro sa mga bata ang kahalagahan ng pangangalaga sa kapaligiran.
Binigyan din ang mga bata ng mga payong at hygiene kit na may lamang sabon, toothbrush at toothpaste at pagkatapos ay pinakain ng arroz caldo.

the noblest motive is the greatest good for the greatest number