Batangas City DRRMO champion sa 1st Batangas Rescue Olympics 2017
BATANGAS CITY- Binigyang pagkilala ng pamahalaang lungsod ang City
Disaster Risk Reduction Management Office CDRRMO sa pagkapanalo nito bilang kampeon sa 1st Batangas Rescue Olympic 2017 na ginanap sa Provincial Sports Complex noong July 27 kaugnay ng pagdiriwangng National Disaster Resilience Month ngayong Hulyo.
Ang provincial Olympic na ito na isinagawa ng Provincial DRRMO at ng Philippine National Red Cross-Batangas Chapter ay nilahukan ng may31 municipalities at tatlong cities.
Ayon kay Rod De la Roca, hepe ng CDRRMO, patuloy ang kanilangtanggapan sa pag sasagawa ng mga pag sasanay sa mga disaster, emergency response at rescue sa mga barangay, business establishments at schools upang mapalakas pa ang kahandaan ng lungsod.
Pinabasehan ang mataas na overall rating na nakuha ng CDRRMO sa lahat ng kategorya. Dito sinusukat ang kahandaan at kagalingan ng mga rescuers sa mabilisang pag responde sa panahon ng kalamidad at mga emergency situation at kung paano ang mga rescuer mag analisa sa mga sitwasyon at kung paano nila ito agarang mabibigyang lunas. Nanguna din sila sa ibang category tulad ng basic transfer, CPR-cardio pulmonary resuscitation, basic transfer, situational analysis at quiz bee. (PIO Batangas City)
Sto. Tomas Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office
1st Runner Up in the 1st Batangas Rescue Olympics
Congratulations and Mabuhay to the Sto. Tomas Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office for winning 1st Runner Up in the 1st Batangas Rescue Olympics. Ito ay pakiki-isa sa pangkalahatang selebrasyon ng National Disaster Resilience Month kung saan pinangunahan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office at Philippine Red Cross – Batangas City Chapter ang nasabing gawain. Layunin nito: sukatin ang kahandaan, kaalaman at kagalingan ng mga rescuer sa agarang pag-respond sa panahon ng kalamidad at emergency situation. Gayundin kung papaano mag analisa ang mga rescuer sa iba’t-ibang sitwasyon at kung papaano nila gagawin ang mga bagay-bagay sa atubiling pagbibigay lunas.
Erich S. Rodillo – PIO Sto. Tomas, Batangas
Photos by: Ms. Angelica Joyce D. Pucyutan