Dinagsa ng ating mga ka-nayon mula sa Barangay Sta. Luis ang mas pinalaki at mas pinalawak na E-Puso On Wheels o ang “EPS Public Service and Offices on Wheels”. Ito ay ang Community-Based Health and Social Services Program ng ating Pamahalaang Lokal sa pangunguna nina KGG. Mayor Edna P. Sanchez, Kgg. Vice Mayor Armenius O. Silva at Sangguniang Bayan Members.
Libreng serbisyong Medical, Dental at Optical ang hatid nito na nakapa-loob ang libreng serbiyong medical check-up at consultations, bunot ng ngipin, libreng eye check up with prescription eye glasses, libreng mga gamot at vitamins. Meron din libreng legal consultation at notaryo publiko, feeding program at birth registration, gayundin ang libreng gupit, manicure & pedicure at massage at marami pang serbisyo ang hatid nito. Mainit na suporta at pagtanggap ang ipina-abot ni Kgg. Jaime Herrera at Sangguniang Barangay kasama ang mga volunteer workers ng kanilang barangay. Kaalinsabay ng programang ito ang pagpapa-unawa sa magiging magandang bunga at hatid ng pagiging siyudad ng Sto. Tomas sa nalalapit na buwan. Ito ay lilibot sa iba’t-ibang barangay, sitio at mga subdivision.
Erich S. Rodillo – PIO Sto. Tomas, Batangas