Makulay na Pasko

Makulay na Pasko sa Bagong Palengke

BATANGAS CITY- Ramdam na ramdam ang kapaskuhan sa Don Julian Pastor   Memorial Market o Bagong Palengke kung saan nagpabonggahan ang bawat section ng market vendors sa Christmas Decor contest gamit ang mga recycled materials.

Nanalo ng first place ang footwear section, second ang cooked food, third ang chicken at consolation prize ang egg section.

Ayon kay Nelson Aguila, executive assistant to the mayor, nagpapatunog din ng mga christmas songs sa palengke upang lalong madama ng mga mamimili ang spirit ng Pasko.

At bilang pamaskong handog, mayroong On- the- Spot Huli Ka! kung saan pipili ang Market Vendors Association ng 100 mamimili na makakatanggap ng sorpresang premyo na pang noche buena buhat kay Mayor Beverly Dimacuha at Cong. Marvey Marino.
LIZA PEREZ DE LOS REYES/PIO Batangas City

 
 
 

Image may contain: 1 person, outdoor

+7

the noblest motive is the greatest good for the greatest number