Ibinalita ni Congressman Marino sa mga welding Scholars na nakakuha siya ng P500 milyon para sa construction ng school buildings mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH). (PIO Batangas City)
46 iskolar nagtapos sa welding
FRIDAY, JANUARY 26, 2018 Tinanggap ng 46 completers ng Shielded Metal Arc Welding (SMAW) NC-1 training ang kanilang Certificate of Completion mula kay Congressman Marvey Mariño sa seremonya ng pagtatapos noong January 25, sa Marian Learning Center and Science High School (MLCHS).
Ang mga ito ay kabilang sa 1st at 2nd batch ng iskolar ng programa kung saan ang pondo mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ay inilaan dito sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ni Cong. Mariño.
Ang mga completers ay sumailalim sa pagsasanay ng mga Tech Voc teachers ng Marian MLCHS sa loob ng 28 araw. Ginamit rin ng mga ito sa pagsasanay ang pasilidad ng paaralan.
Hinikayat ng congressman ang mga completers na ipagpatuloy ang kanilang pagsasanay hanggang maging full pledge welder ang mga ito. Aniya, sa pamamagitan ng kanyang tanggapan ay nakakatiyak ang mga ito na may kumpanyang mapupuntahan para sa kanilang on-the-job training (OJT). Magbibigay din siya ng recommendation para sa application ng mga ito sa trabaho. Isiniguro niya na maraming oportunidad para sa mga completers dahil maraming negosyo ang itatayo sa lungsod at marami ring construction projects ang administrasyon nila ni Mayor Beverley Dimacuha.
Ipinaalam rin ng congressman na patuloy ang kanyang suporta sa skills training program kung saan sa pamamagitan niya ay naglaan ang TESDA ng P5 milyong ngayong taon.