Internet Access sa Isla Verde

 

Palakat Batangas city November 21, 2017- Hindi lamang kuryente mula sa solar energy ang inaasahan ng mga taga Isla Verde kundi ang internet access para sa mga researches ng mga estudyante.

Nagsasagawa na ngayon ng monitoring ng sites ang Department of Education (DepEd) at United Nations Development Programme (UNDP) na silang magpapatupad ng programa.
Inihahanda na rin nila ang mga kagamitan gaya ng solar panels na nakatakdang dalhin sa Isla Verde sa una hanggang ikalawang linggo ng Enero 2018. Magkakaloob ang UNDP at DepEd ng computer sets na may tig iisang laptop at pitong tablet sa walong paaralan ng
anim na barangay sa Isla Verde. Ang mga ito ay may pre-installed na learning materials para

sa mga mag-aaral sa elementarya hanggang senior high school ng Isla Verde.
Ayon kay Rey Valenzuela, Information Technology ng DepEd IV-A, malaking tulong ito sa mga classroom lectures dahil bukod sa text base information ito rin ay may mga video. “Layunin ng DepEd na mailapit ang mga mag-aaral sa lugar na walang electricity, sa kalidad
na edukasyon sa mga schools sa city, at maaring sumabay sa mga nasa private schools,” sabi ni Valenzuela.
Sinabi naman ni Maria Caroline Belisario, programme manager DepEd Project na magkakaroon rin ng training ang mga guro sa paggamit ng computers at mga learning materials, ganoon din ang pagme-maintain ng mga solar panels. “Madali lang gamitin ito, dahil plug and play lamang ang learning materials once na ma-install ang mga computer sets,” dagdag ni Belisario.

May 3,694 ng schools sa Luzon, Mindanao at ARMM ang tumanggap ng ganitong proyekto.

the noblest motive is the greatest good for the greatest number