Tatlong lugar lamang ang pagdadausan ng Milo Marathon kung saan kabilang ang Maynila, Cagayan De Oro at Batangas City. Binigyang diin din niya na napili nila ang Batangas City na pagdausan ng Milo Marathon destination run sapagkat organisado at sistematiko ang execution ng pamahalaang lungsod sa pagsasagawa ng nabanggit na aktibidad sa mga nakalipas na taon Lubos din ang pasasalamat ng grupo kay Mayor Beverley Dimacuha sa pagkakataong ibinigay nito na muling maging bahagi ang lungsod sa naturang prestigious running event.
Ilan sa categories na paglalabanan ay ang 3k, 5k,10k, at 21k. Ito ay bukas sa lahat ng mahihilig sa marathon sa buong bansa.
Ang starting at finish point ay sa Plaza Mabini. Ang gun start para sa 21k ay sa ganap na ika-4:30 ng umaga. Ang 10k ay 5:00AM, ang 5k ay 5:35AM at ang simula ng 3k ay 5:30 ng umaga. Kaugnay nito, nagsagawa ng pagpupulong ang core group ng National Milo Marathon noong May 9 upang masiguro ang kahandaan ng isasagawang aktibidad.
Ilan sa pinagusapan ng grupo ay ang traffic plan, safety plan, medical plan, hydration areas at manpower deployment. Samantala, kalinsabay ng pagtakbo ay magkakaroon din ng cheerdancing competition sa kahabaan ng P.Panganiban na lalahukan ng ibat-ibang paaralan.
Mayroong onsite registration sa May 20-21 sa Local Youth Development Office (LYDO) sa 2nd Floor Boy Scout Building sa P. Herrera Street o tumawag lamang sa telepono bilang 408-8012. (PIO Batangas City)