Cong. Mariño at Mayor Dimacuha namigay muli ng allowance ng scholars sa barangay
Palakat Batangas City Tuesday, October 24, 2017 Personal na iniabot nina Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Mariño ang subsidy allowance na nagkakahalaga ng P3,000-P5,000 sa may 246 EBD scholars sa Sto. Niño National High School.
Panglima ang nasabing paaralan sa pinuntahan ng Mayor’s Action Tteam kung saan nauna na rito ang Pinamucan NHS, Pedro S. Tolentio NHS ng Ilijan, Talahib Pandayan NHS at Tabangao National High School.
Isa sa mga tumanggap ng subsidy allowance ang bagong scholar na si John Carlo Asi, grade 9 student. Malaking tulong aniya para sa kanya bilang anak ng isang magsasaka ang mapabilang sa scholarship program. “Nakakabawas sa mga gastusin at nakakatulong na maipagpatuloy
ang aking pag aaral.”
Pasasalamat naman ang namutawi kay Sofia Evangelista, residente ng Brgy. Malibayo at may dalawang anak na nag aaral sa nasabing paaralan. Siya at ang kanyang asawa ay kapwa magsasaka at panahon pa ni Mayor Eddie Dimacuha ay nakikinabang na sa mga programa ng pamahalaang lungsod. “Natutuwa po ako kasi hanggang ngayon ay naipagpapatuloy ang mga ganitong proyekto at natutulungan kaming mahihirap”.
kapitbahay o mga kaibigan ang tungkol sa scholarship program na ito upang pati sila ay makinabang din dito.
Ipinaliwanag naman ni Manolo Perlada, head ng scholarship program ang mga alituntunin at mga updates ng nasabing programa. Ugaliin aniyang bisitahin ang scholarship page sa social media o makipag ugnayan ng personal kung may mga katanungan.