Senator Win Gatchalian on Tuesday called for the imposition of strict penalties on fraternity members who participate in the cover-up of hazing incidents, such as the actions taken by resident and alumni members of the Aegis Juris Fraternity in the wake of the suspected hazing death of Horacio “Atio” Castillo III.
The senator proposed that the act of any member of a fraternity, sorority, organization, or other institution to conceal, prevent the discovery, or otherwise obstruct the investigation of law enforcement officials into reported incidents of hazing be punishable by the penalty of reclusion temporal (imprisonment from twelve years and one day up to twenty years).
“We can see that the fraternity is trying to conceal and cover up what happened. So, we also have to put it in the law that members who did not actually participate in the hazing, but participated in the cover-up, should be put in jail,” Gatchalian had said in an ambush interview after the third Senate inquiry on the death of Castillo.
“It’s alarming how their elders or senior brods who are practicing lawyers, some are even working in the government, are the ones teaching the younger brods how to cover-up and conceal what happened,” Gatchalian added.
The senator also expressed grave disappointment towards UST Faculty of Civil Law Dean Nilo Divina and the Office of Student Affairs of the University of Santo Tomas for their lack of competence in preventing hazing within the school.
“Naghuhugas kamay ang Office of Student Affairs at si Dean Divina. Naglagay sila ng adviser na sabi nakatutok sa mga aktibidad ng Aegis Juris, pero for six years, wala silang na-detect na hazing sa kanilang eskwelahan. So it’s safe to say that the school was ineffective in stopping hazing,” he said.
Gatchalian’s proposed Senate Bill No. 199, which seeks to replace the Anti-Hazing Law of 1995 (Republic Act 8049), aims to increase the liabilities of educational institutions in the hopes of completely abolishing hazing.
The bill would impose a fine of one million pesos on an educational institution if it approves the written application for a fraternity, sorority, or organization to conduct initiation rites, and hazing occurs during said rites, or when no representatives from the school were present during the initiation as required by the law.
Addressing the parents of Atio, Gatchalian assured them: “Atio’s death will not be in vain. We will work hard to completely abolish this senseless and unnecessary act of hazing.”
Grace Poe’s Interview Transcript
GMA News To Go with Howie Severino. RE: UST HAZING
Sen. Grace Poe: Magandang umaga Howie at sa lahat ng nakikinig at nanonood magandang umaga po.
Howie Severino: Sen. Poe bago tayo dumako sa mga detalye, I have to ask, why is this incident an issue of national importance?
Poe: Unang-una, ilang dekada nang nangyayari na ang mga kabataan natin ay nabibiktima ng fraternity hazing. Ngayon bakit importante ito, kasi trabaho ng Senado na siguraduhing ang mga batas natin ay angkop sa pangangailangan sa lipunan. Katulad niyan mayroon tayong Anti-Hazing law, may mga probisyon diyan na kailangan rebisitahin, ito ba ay sapat na? Kasi ang nangyayari Howie, halimbawa ang mga legalidad na pwedeng ipakulong ang mga nang-hazing pero ang institusyon, halimbawa yung eskwelahan kung saan nagkaroon ng mga fraternities, ano ang kanilang liability? Hindi ito nababanggit sa ating mga batas. Isa iyan, kasi siyempre kapag administration ng bawat institusyon ng bawat paaralan ay magkakaroon ng liability ay sila mismo ang magpupursige na siguraduhin na hindi payagan ang mga ganitong uring organisasyon.
Severino: Okay ang sinasabi ninyo kahit na matagal na itong Anti-Hazing law ay hindi sapat po ang batas na ito at tuloy-tuloy pa rin ang paglabag nitong batas na ito?
Poe: Oo, ‘di ba nakita naman natin na maya’t maya may nakikita tayong mga batang namamatay dahil nga sa pambubugbog doon sa mga initiation rights pero hindi nababanggit ang mga eskwelahan na ano ba talaga dapat ang ginawa nila para hindi mangyari ang ganitong bagay? Mahirap nating sabihin na magkakaroon ng suspensyon ang isang paaralan kasi libu-libong mga bata ang apektado pero siguro kung malaki ang kanilang multa ay mabibigyan din sila ng insentibo na siguraduhin na itong mga frat na ito ay walang mga initiation rights na ganyan.
Severino: Okay, Senator nabanggit ninyo ang liability ng institution, kasama ba si UST Law Dean Divina sa mga alumni ng Aegis Juris Fraternity na posibleng irekomenda ng Senado na i-disbar?
Poe: Hindi ko pa alam sapagkat wala pa tayong committee report pero isa diyan sa pinag-aaralan natin, na siya nga ay sinama ng DOJ mismo sa mga respondents mismo, nandun siya. Natural lamang na siya ay tanungin at hikayatin mabuti ang kanyang partisipasyon, kung mayroon man, sapagkat unang una siya ay law dean. Napapailalim sa kanya ang mag estudyanteng ito. Pangalawa miyembro siya, isa siya sa mga naunang miyembro ng Aegis Juris. Pangatlo, kasama sa mga recruitment fliers ang mismong larawan o litrato nitong si Dean Divina bilang panghikayat sa mga estudyante na pumasok. Kasi alam mo Howie, kung ikaw ay isang estudyante na gusto mong magtagumpay sa iyong karera, siyempre gusto mong makialyado sa mga may kapangyarihan at awtoridad at bilang law dean sa mismong law school na pinag-aaralan mo e ‘di syempre gusto mong sumama sa isang organisasyon kung saan miyembro siya, kaya ito ay aming tinitingnan.
Severino: Okay parang lumalabas may inherent conflict of interest ito dahil miyembro nga siya ng isang frat na nasa loob ng kanyang jurisdiction bilang law dean.
Poe: Alam mo Howie kung wala man siyang direktang kinalaman sa pagpatay, hindi naman natin mapapatunayan iyan na nandoon siya sa frat library. Unang una ano ang ginawa niya nung nalaman niya na may nangyaring ganyan? Nagpadala ba kaagad siya ng alert sa buong school of law na hindi na dapat tangkilikin itong fraternity muna na ito? Noong nagkaroon ng mga instructions na ganyan yung Aegis Juris earlier this year na nagkaroon ng parang riot diyan sa Manila Hotel, sinuspinde niya pero napakatagal ng proseso, patuloy pa rin yung pag-recruit nitong fraternity na ito so dapat malaman, did he do enough? Was he proactive enough as dean of UST to prevent such situation from happening? At saka dapat ding malaman natin ano ba ang sagot talaga ng mismong head o prefect (rector) ng UST dahil napapailalim sa kanila ito. Ang aming napansin, hindi lamang ako, ang Office of Student Affairs may malaking pagkukulang siyempre kasama na rin diyan si Dean Nilo Divina.
Severino: Nabanggit niyo nga itong mga academic offices. Yung pamunuan ng University of Sto. Tomas ay may pananagutan din sa tingin ninyo?
Poe: Una nga Howie kapag sinabi nating direktang pananagutan, hindi nga natin mapapatunayan iyan sapagkat wala naman sila doon sa aktwal na pinangyarihan pero yung sinasabing dapat kapag mayroon silang alam na mga ganito, anong ginawa nila para maipaalam sa ibang estudyante na mag-ingat at huwag sumama sa ganitong frat? Nakita natin na may pagkukulang sa komunikasyon sapagkat ikaw na nga ang Office of Student Affairs Director hindi mo pa napasabi sa Student Council head na dapat sa kanilang orientation hindi nila pinayagan ang fraternity na ito na sumama. Tapos mayroon din sila sa accreditation ng mga student organizations kung saan ang deadline nila ay June, end of June. Malinaw na malinaw na ang Aegis Juris nag-apply sometime first week of July, tinanggap pa rin nila ang application kahit na late. Ang sagot dito ng Dean of Student Affairs, ‘e kasi nag-iba na yung school calendar ng UST as of this year so everything was moved later.’ Ang sagot naman namin diyan bakit di niyo pinalitan yung date nito? So obviously hindi nila siniseryoso. Kung nagpalit yung school calendar, dapat in writing din nakalagay na mayroong pagbabago sa pag-accept ng applications. Maraming inconsistencies, it could have just been an oversight hindi nila napansin o kung ano man yun pero kailangan talaga malinawan, anong dapat gawin sa susunod para hindi na mangyari ito.
Severino: Tingin ni Senador Panfilo Lacson kay Marc Anthony Ventura ay isang Trojan Horse na witness o isang planted na testigo, ano ba ang reaksyon ninyo doon sa kanyang testimonya?
Poe: Alam mo noong pagkatapos nung aming hearing nagbigay na rin ng statement si Sen. Lacson kasi yung unang tanong ko dito kay Ventura sabi ko, ‘noong umpisa ang mga abogado mo ay miyembro ng Aegis Juris Fraternity pero pinalitan mo sila. Bakit mo sila pinalitan?’ Sabi niya ‘kasi sabi po ng aking mga magulang palitan na sila.’ Sabi ko bakit daw? Ang sagot niya kasi gusto nila, ‘gusto ng mga magulang ko na magsabi ako ng totoo.’ So sabi ko, ‘so ibig sabihin ba niyan yung mga abogado mo na miyembro ng Aegis Juris Fraternity ay parang pinagsisinungaling ka?’ Sabi niya hindi naman niya masasabi iyon. Sabi ko ‘let me just answer this for you, maybe the mere fact na bago ‘yung mga abogado mo,’ hindi siya natuwa doon sa mga payo ng mga miyembro ng Aegis Juris na abogado niya. That alone Howie, iyon pa lamang. Sinabi ni Sen. Lacson na pinalitan niya yung mga abugado niya para wala nang koneksyon at yung mga testimonya niya sa kanyang affidavit laban sa kanyang mga naging brod ay indikasyon na, binawi na niya siguro, na hindi naman talaga Trojan Horse. Kaya lang syempre, ‘pag miyembro ng isang fraternity, Howie, kailangang mag-ingat kasi mayroon silang brotherhood, ‘di ba? So, kailangang basahing mabuti kung ano ang kanilang testimonya kasi baka naman, katulad nitong si Solano, noong umpisa parang maayos naman yung sinasabi pero noong bandang huli, ngayon ‘di ba sinabi niya na, ‘ay hindi sa pambubugbog, dahil sa heart attack kaya namatay.’ ‘Di ba, Ridiculous. Pero sinabi din naman niya na inaamin niya na hindi naman sa mali pero hindi na niya yun pinipilit pagkalabas ng bagong autopsy report
Severino: Okay, maraming salamat sa iyong panahon, Senator Grace Poe.
Poe: Thank you Howie, sa lahat ng nakikinig.