Journeys on a Galleon

Batangas City nakiisa sa Filipino Heritage Festival

 

MANILA – Libreng napanood ng ilang mga guro mula sa pambubliko at pribadong paaralan sa Batangas City kasama ang mga myembro ng Batangas City Cultural Affairs Committee ang “Journeys on a Galleon”, isang concert na ginanap noong May 5 sa Cultural Center of the Philippines bilang bahagi ng Filipino Heritage Festival. Ito ay bilang paggunita din sa National Arts Month.

Ang nasabing pagtatanghal ay lumalarawan kung paano naging malaking bahagi ng buhay ng mga Filipino ang kalakalan sa pamamagitan ng mga galleon at kung paano naimpluwensyahan ang ating kultura ng iba’t ibang bansa.

Nagtanghal ang ROFG kids, Ramon Obusan Folkloric Group, Ateneo Chamber Singers, University of the East Silanganan Dance Troupe at ang Philippine Ballet Theatre.

Ang Journeys on a Galleon ay sa koryograpiya ni Gener Caringal at panulat at direksyon ni Floy Quintos. (PIO, Batangas City)

the noblest motive is the greatest good for the greatest number