Inaprubahan ng Batangas City Development Council (CDC) sa Full Council Meeting nito noong September 5, 2018 ang City Annual Investment Program for FY 2019 kung saan nakapaloob dito ang mga panukalang proyekto na popondohan ng pamahalaang lungsod, na ang kabuuang halaga ay humigit kumulang sa P13.5 bilyon.
Binuksan ni Mayor Beverley Rose Dimacuha ang pagpupulong kung saan ipinahayag niya ang mga naging positibong pagbabago sa lungsod pamula ng siya ay umupo noong 2016 kagaya ng mga infrastructure projects, mga accomplishments sa disaster risk reduction and management, paglalapit ng pamahalaan sa mamamayan , pagharap sa mga kalamidad na walang ni isa mang Batangueno na nasawi at iba pang nagawa niya.
“Marami pang dapat gawin, ayusin, pangakong dapat tupadin, kahilingan na dapat tugunan. Hinihiling po namin ang inyong pasensya sapagkat hindi sabay- sabay na mapopondohan ang ating mga pangangailangan,” sabi ng mayor. Ang magandang balita aniya ay partner sila ni Congressman Marvey Mariño na malaki ang nagiging tulong sa pangangalap ng pondo para sa mga pagawaing bayan sa lungsod.
Ang Batangas City AIP for FY 2019 ay binahagi sa tatlong sektor: ang general public sevices, social services at economic services. Ang mga panukalang programa at proyekto na nakapaloob sa general public services sector ay para sa mga tanggapan sa ilalim ng City Mayor’s Office at ilang departamento ng pamahalaang lungsod.
Ang social services ay para sa education, scholarship, disaster risk reduction and management, City Health Office, City Social Welfare and Development Office at Colegio ng Lungsod ng Batangas habang ang economic services ay para sa Office of the City Veterinary and Agricultural Services , City Market Administrator , City Engineer’s Office, infrastructure at non-infrastructure projects at City ENRO.
Sunod inaprubahan ang updated Batangas City Shelter Plan for 2016-2021. Ito ay para sa kapakanan ng mga informal shelters na malimit ay nakatira sa mga mapanganib na lugar kagaya ng daanan ng mga waterways. Ang planong ito ang isa mga requirements na hinahanap sa evaluation ng paggawad ng Seal of Good Local Governance bago ito ipagkaloob ng Department of Interior and Local Government sa isang local government unit.
Huling inaprubahan ng council ang Working Vision, development strategy, and proposed urban land form/development spatial strategies for the preparation of the Batangas City Comprehensive Land Use Plan (CLUP) for 2019-2028 kabilang ang City Comprehensive Development Plan, Ecological Profile, Local Development Investment Program at Zoning Ordinance.
Ang proposed Working Vision ng Batangas City ay binalangkas ng city government, mga stakeholders at ng Palafox Associates na siyang nakuhang consultant ng pamahalaang lungsod sa pamamagitan ng public bidding upang maibahagi nila ang kanilang expertise sa urban planning sa pagbabalangkas ng 10 year- Batangas City CLUP for 2019-2028.
Ito ang proposed Working Vision- “Internationally recognized progressive, secure, smart and resilient sustainable Regional Rural Urban Port City, engaged in stable agro-industrial development and other profitable businesses, strengthened by state-of-the-art infrastructure, amenities, technologies, and globally competent and responsible citizens while conserving its bio-diverse environment and rich cultural heritage, governed by responsive ethical servant leaders.”
Ang mga inaprubahang ito ng CDC ay isusumite sa Sangguniang Panglungsod upang pagtibayin. Nagbigay din ng development updates ang city planning and development coordinator na si Engr./EnP Januario Godoy habang nag-ulat ng kalagayan ng city environment and hepe ng City ENRO na si Engr. Oliver Gonzales. Ibinalita naman ng secretary to the mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha na lumaki ang capital investmens sa Batangas City mula p700-P800 million noong 2016, P900 million noong 2017 at ngayong January-June 2018 ay umabot na sa P3.2 billion.(PIO Batangas City)