Ayon kay Veterinary Services Division Chief ng Office of the City Veterinary na si Dr. Shiela Lualhati, maging ang mga alagang hayop ay peligroso rin sa ganitong sitwasyon.
Payo niya sa mga pet owners na paliguan ng madalas at siguraduhing may inuming tubig ang kanilang mga alaga. Para naman sa mga hog raisers, palagian aniyang bisitahin o i-check ang mga alagang baboy.
Makakatulong din aniya kung lalagyan ng electric fan at may mataas na bubong ang kanilang kural upang maging mas maaliwalas.
Ipinabatid niya na may libreng electrolytes sa kanilang tanggapan para sa mga alagang baboy.
Samantala, pinaalalahanan din ni Dr. Lualhati ang mga pet owners na pabakunahan ng anti-rabies vaccine ang mga alagang aso at pusa dahil nagiging aktibo aniya ang rabis ng hayop kung tag-init. Maaaring magsadya sa OCVAS para sa