P1.8B Batangas City 2018 Budget

                          Inaprubahan Na

(Palakat) Batangas City- Inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod ngayong Martes, November 7, ang Proposed Batangas City Annual Budget for 2018 na nagkakahalaga
ng P 1.8 bilyon, mas mataas sa 2017 budget na umabot lamang sa P1.7 bilyon.
Ito ay pagkatapos ng ilang budget hearings kung saan naipaliwanag ng maayos sa konseho ang budget ng bawat opisina at naipakita sa kanila ang lahat ng mga dokumneto at records kung saan nakapirma ang lahat ng mga miyembro ng Local Finance Committee sa Statement
of Receipts para sa darating na budget year.

 

May pinakamalaking budget ang City Mayors Office sa halagang P 686.7 milyon, kasunod ang Special Purpose Lump-Sum Appropriation na P 371.9. Pumangatlo ang City Health Office na may budget na P131.5 milyon; ikaapat ang General Services Department(P88 million),
sumunod ang City Engineers Office( P83.8 milyon), Sangguniang Panglungsod(P66 milyon), OCVAS(P 60 milyon ), CLB ( P46.8 milyon) at Office of the City Treasurer, (P44.6 milyon).
Samantala, sa malayang oras, tinawag ni Coun. Nestor Dimacuha ang pansin ng Committee on Environment upang magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa Unicorn ready mix- concrete batching plant na itinatayo sa barangay Tulo. Ito aniya ay nasa residential area kung
kayat kinakailangang mabatid kung ito ay lumabag sa zoning ordinance.
Nirequest naman ni Coun. Glen Aldover ang Committee on Public Safety na pagtuunan ng pansin ang mga convenience stores na maaaring nagtitinda ng alak sa mga kabataan.
Sinabi naman ni Coun. Aileen Montalbo na dapat tingnan ang expiration ng mga frozen products ng mga online resellers upang masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng mga mamamayan. Ang usaping ito ay inirefered sa Committees on Health at Trade and Industry.
Iimbitahin naman ng Commttees on Engineering at Environment ang pamunuan ng Monte Maria hinggil sa mudslide na naganap mula sa kabundukan kung saan may isinasagawang konstruksyon ang nasabing organisasyon. Ang pagbagsak ng mga limestone ay dahilan sa malakas na buhos ng ulan ng mga nagdaang araw.
Iminungkahi ni Coun. Oliver Macatangay na maimbitahan ang bagong hepe ng Batangas City PNP na si PSupt. Wildemar Tan Tiu upang malaman ang mga bagong programang ipatutupad nito sa kanyang pag-upo.

the noblest motive is the greatest good for the greatest number