SA GAWAD PATNUGOT 2017
(Palakat BATANGAS CITY ) Sa temang Gurong Pilipino: Kaakbay sa Progreso matagumpay na idinaos muli sa Batangas City Convention Center ang Gawad Patnugot bilang pagkilala ng Department of Education Region 1V-A sa mga natatanging guro at paaralan ng Calabarzon kaalinsabay ng pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng mga Guro.
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng 50th anniversary ng Asean kasabay ng chairmanship nito ng Pilipinas, nagsuot ang ibat’t ibang delegasyon ng Calabarzon ng tradisyunal na kasuotan ng mga bansang bumubuo ng Asean. Naging musical theme din ang awit patungkol sa Asean.
Sa kanyang opening remarks, mainit na tinanggap ni OIC-Schools Division Supt. Donato Bueno ang mga bisita sa kanilang pagdating dito sa Batangas City na aniya at “tahana” na ng Gawad Patnugot.
Nagbigay ng inspirational message ang nahirang na 2017 Metrobank Foundation Outstanding Filipino-Elementary Teacher sa buong bansa na si Jennifer Rojo, isang grades 5 at 6 Science teacher sa Tagaytay City. Siya din ang naging Gawad Patnugot 2016 Most Outstanding Elementary Teacher sa buong rehiyon. Ayon sa kanya, ang kanyang award ay hindi lamang isang karangalan at prestihiyo kundi ito at nagbigay sa kanya ng malalim na pangunawa kung ano ang isang katangitanging guro. “That it is not just being excellent in your profession but going beyond excellence. You are willing to render service beyond the call of duty and provide selfless dedication to your profession,” dagdag pa ni Rojo.
Sinabi rin ni Rojo na ang kanyang paglalakbay na ito ay nagturo sa kanya upang maging higit na inspirado at maging inspirasyon sa iba. “I have been given a lot of opportunities that changed my life. It is therefore, my life mission to help others get opportunities that will change theirs.”
Nanguna ang Cavite sa may pinakamaraming awards na natanggap kung saan kabilang dito ang 2017 Outstanding Elementary Teacher na napanalunan ni Joel Rolle ng Tagaytay Central Elem. School at 2017 Outstanding High School Teacher na si Noel Anciado ng Munting Ilog National High School. Nanalo rin ito ng Natatanging Parangal for Gawad Patnugot sa mga innovative programs nito at pagiging 1st ISO certified school division ng Dep Ed.
Naging special category naman ang Barangay with Zero Out-of-School Youth na napanalunan ng Barangay Mapagmahal ng Perez, Quezon kung saan ang barangay captain ay si Ryan Aguilar. (PIO Batangas City )