Championship Competition

San Pascual at San Juan nagkampeon sa Gov. Mandanas Inter-LGU volleyball tournament

BATANGAS CITY– Idinaos ang championship round ng Governor Hermilando Mandanas Inter-LGU Volleyball Competition for Men and Women 2017 noong nakaraang Linggo October 13 sa Provincial Sports Complex kung saan nag champion ang San Pascual sa men’s division at ang San Juan sa women’s division
Sa first game ng women’s volleyball, nagtunggali ang San Juan laban sa Calatagan. Sa una at ikalawang set ng laban tinambangan ng San Juan ang Calatagan sa puntos na 2 -0. Hindi na binigyan ng pagkakataon na makaungos pa ang Calatagan hanggang sa 3rd set at tuluyan na nakuha ng San Juan ang championship title sa score na 25-11. Third Place naman ang San Pascual Batangas. Tinanghal na Most Valuable Player si Erika Tenoria ng San Juan.

Sa men’s division, ang battle round ay sa pagitan ng San Pascual at Batangas City kung saan nagpakita ng liksi at lakas ng pag palo ng bola ang mga players. Ang dalawang magkalaban ay walang tulak kabigin sa pag papalitan ng spikes at tosses. Nagtapos ang laro sa third set kung saan nanalo ang bayan ng San Pascual sa score na 25-24. Third place winner naman ang bayan ng Calatagan.

the noblest motive is the greatest good for the greatest number