The Officers of the Batangas Police Provincial Office headed by Police Senior Superintendent ALDEN B DELVO, Officer-In-Charge, paid courtesy call to Hon. Hermilando “Dodo” I. Mandanas, Governor, Province of Batangas, held on January 10, 2018 at Camp General Miguel C Malvar, Kumintang Ilaya, Batangas City.
Information campaign laban sa kriminalidad patuloy na isinasagawa ng kapulisan
PALAKAT. JANUARY 26, 2018 BATANGAS CITY-Ang motor ang isa sa pinakagamiting transportasyon ngayon dahilan sa ito ay mas affordable at madaling lumusot sa heavy traffic subalit madali ring manakaw kung kayat nagsasagawa ng information campaign ang Batangas City PNP kung papaano ito at ang iba pang nangungunang krimen maiiwasan.
Sa symposium na idinaos ng local police sa may 200 junior at senior high school students ng Banaba West National High School at mga barangay officials, cluster leader at mga residente ng Barangay Sta. Clara noong January 23-24, nagbigay ng tips ang mga lecturers kung papaano maiiwasan ang motornapping na isa sa itinuturing na 8 focus crimes.
Dapat anilang maging alerto, huwag iparada ang motor sa madilim na lugar at lagyan ito ng alarm na maaring makatawag pansin. Maaari ring lagyan ito ng kadena at padlock at huwag iwan sa compartment ng motor ang inyong registration paper kahit ang photocopy upang walang maipakita ang magnanakaw sa checkpoint.
Bukod sa motornapping, ang iba pang kabilang sa 8 focus crimes ay ang carnapping, homicide, murder, physical injury, rape, theft at robbery. Ang mga ito ay tinalakay ni Spo3 Rogelio Magsino
Upang maiwasan naman ang carnapping, sinabi ng resource speaker na ugaliing naka lock ang pinto at bintana ng sasakyan lalo na kung ito ay nakaparada. Iwasang tumigil at magpasakay ng estranghero. Maglagay ng security alarm sa sasakyan. Iwasang tumigil sa lugar na hindi kabisado. Kung bibili ng sasakyan o motor siguraduhin hindi ito nakaw.
Tinalakay naman ni Spo1 Daisy Ocampo ng DARE PNCO ang tungkol sa drug abuse prevention.
Payo ni PCI PCI Jaime Pederio na tinalakay ang terorismo na maging matalino, mapanuri at higit sa lahat dapat alisto ang mga mamamayan.
Sinabi naman ni City Police Acting Chief Wildemar T. Tiu na sumusuporta ang buong kapulisan sa administrasyon ni Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Marino sa layunin nilang masugpo ang droga at mapanatili ang katahimkan at kaayusan sa lungsod. (PIO Batangas City)