Workshop sa barangay disaster planning kontra sa landslide at pagbaha
BATANGAS CITY- Isa ang Barangay Malalim sa mga lugar na may problema sa landslide at pagbaha kung kayat para maging handa ang mga residente, nagkaroon sila ng workshop sa barangay disaster planning ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO).
Ginawa rito ang updating ng kanilang three-year Barangay Disaster Risk Reduction Management Plan (BDRRMP) upang tumugon ito sa pangangailangan ng kasalukuyang panahon at mapalakas ang kahandaan ng mga taga barangay.
Kabilang sa mga dumalo rito ang mga barangay officials, Barangay Nutrition Scholars, Barangay Health Workers at barangay tanod.
Ayon sa kanilang pangulo na si Ramon Medrano, mahalaga ang pagsasanay na ito dahilan sa kahit malayo ang kanilang barangay sa bayan, mas madali na sila makakatugon sa panahon ng kalamidad at emergency.
Sinabi naman ng barangay councilor na si Medel Panganiban na nakapaloob sa mga plano ang mga programa, proyekto at activities sa areas ng disaster preparedness, mitigation, response and rescue at rehabilitation and recovery. “Importante po ito sa amin na ma update ang BDRRMP dahil ito ang magiging gabay naming kung may sakuna at kalamidad,” dagdag pa ni Panganiban.
Naging training facilitator sa workshop na ito si John Philip Serrano ng Research and Planning Section ng CDRRMO. (PIO Batangas