High school seniors, may work immersion sa city government

(Batangas City November 14, 2017 )May 294 grade 12 students ng Alangilan Senior High school ang nagsasagawa ngayon ng work immersion sa pamahalaang lungsod ng Batangas.

Ito ay nagsimula noong November 13 at tatagal hanggang 24.

Ayon kay Dennis Masangkay, subject group head ng Science & Technology, Engineering and Mathematics (STEM), ang nasabing immersion aniya ay mandato ng Department of Education na naglalayong mabigyan ng pagkakataon ang mga senior highschool students na mai-expose sa ibat-ibang trabaho at larangan na makakatulong sa kanila sa pagpili ng career na tatahakin sa kolehiyo. Matututunan din aniya ng mga ito kung paano makisalamuha sa ibat-ibang uri ng tao sa lipunan.

May tatlong academic track sa Senior High. Ito ay ang Accountancy, Business Management (ABM), General Academic Strand (GAS) at STEM.

Para sa mga mag-aaral na nasa ilalim ng ABM o kukuha ng kursong elementary education, sila ay nagsasagawa ng immersion sa mga  partner institution tulad ng Navera, Balete, Balagtas at Kumintang NHS.

Nagkaroon ng Memorandum Of Agreement (MOA) ang Alangilan Senior HS sa pagitan ng pamahalaang lungsod ng Batangas.

Lubos ang kanilang pasasalamat sa pagkakataong ipinagkaloob at pag-accommodate sa kanila ng lokal na pamahalaan.

Magsusubmit ng narrative reports at reflections hinggil sa kanilang nagging work experience ang mga senior high students pagkatapos ng immersion. Ipinabatid din ni Masangkay na magiging taun-taon na ang pagsasagawa ng work immersion. Binanggit din niya na mula sa 294, tumaas ng 400% ang kanilang enrollees. Magkakaroon aniya sila ng 900 students sa senior high sa susunod na taon.

Ayon kay Alduz Viray, isa sa mga senior HS students na na assigned sa Public Information Office, bagamat kinabahan, excited aniya siya sa kanilang 80-hour immersion.

Inaasahan niya aniya na mas mahahasa pa ang kanyang communication skills at malalaman niya ang tamang paraan ng information dissemination mula sa nasabing tanggapan. (PIO Batangas City)

 

 

 

the noblest motive is the greatest good for the greatest number