12th Foundation Anniversary
Emosyonal na inalala ni Mayor Beverley Rose Dimacuha si dating Mayor Eddie Dimacuha sa inagurasyon ng bagong gusali ng Colegio ng Lungsod ng Batangas na itinatag ng kanyang ama bilang katuparan ng kanyang pangarap ng mabigyan ng libreng tertiary education ang mga mahihirap subalit karapatdapat ng mga indibidwal.
Ang inagurasyong ito ng bagong gusali ng CLB sa dati nitong lugar sa Barangay 20 ay kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan nina Congressman Marvey Mariño at Mayor Beverley Rose Dimacuha ngayong araw na ito, October 3.
Ipinagdiriwang din ng CLB ang ika-12 foundation anniversary nito.
Pinangunahan nina Cong. Mariño at Mayor Dimacuha ang ribbon cutting ceremony kasama ang mga city officials, CLB officials, city government department heads, mga opisyal ng Commission on Higher Education (CHED), at officials ng Association of Local Universities and Colleges.
Ayon kay Mayor Dimacuha, labis ang kanyang kasiyahan sa araw na ito. “Today I feel like I won the more than 800 million pesos in the Philippine lottery hindi dahil kaarawan namin kundi dahil nakikita ko ang katuparan ng isang pangarap. Mahigit 12 taon ang nakalilipas ng pinangarap ni Mayor Eddie Dimacuha na magkaroon ng sariling kolehiyo ang lungsod ng Batangas,” pagdidiin ni mayor.
Ang CLB aniya ay katuwang ng mga magulang para maisigurong hindi hadlang ang kahirapan para makapagtapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak. Sa layuning maiangat pa ang kalidad ng edukasyon ng mga mag-aaral dito, itinayo ang bagong gusali na may kumpletong pasilidad.
“Sadyang mahalaga sa isang anak na maituloy ang pangarap ng kanyang mga magulang para sa mga kabataan, para sa bayan at para sa Lungsod nating Mahal!,” dagdag pa ni Mayor.
Nagpasalamat din si Mayor Dimacuha sa mga nakatulong ni Mayor Eddie sa pagtatag ng CLB at sa kasaluyang pamunuan na siyang nagpapatuloy ng magandang edukasyon.
Ipinaabot din nina Cong. Mariño at CLB President Dr. Lorna Gappi ang pagbati sa okasyong ito at ang pasasalamat kay Mayor Eddie sa pagkakaroon ng city government-run CLB.
Ang CLB na binuksan noong June 2006 ay mayroon ng 2,756 graduates na halos lahat ay may maayos ng trabaho.Ang unang batch ay nagtapos noong 2008.
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng foundation anniversary ng CLB, nagdaos ng Mr. and Miss CLB kung saan nanalo sina Jhorica Calicdan ng Executive Class at Jan Paulo Marasigan ng Bachelor of Science in Business Administration (BSBA). (PIO Batangas City)