Sama-sama sa Pagpapasalamat. Taimtim na nanalangin ng pagpapasalamat ang mga opisyal ng Lalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Batangas Gov. Dodo Mandanas, sa misang ginanap upang simulan ang pagdiriwang ng ika-436 na Taon ng Pagkakatatag ng Batangas Province noong ika-8 ng Disyembre 2017 sa Provincial Capitol sa Lungsod ng Batangas. Nakiisa sa selebrasyon sina Atty. Gina Reyes Mandanas, 6th District Congresswoman Vilma Santos Recto, 5th District Congressman Marvey Marino, Batangas City Mayor Beverly Dimacuha at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas. Jenny Asilo Aguilera / Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO
Kinilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang mga natatanging Lokal na Pamahalaan sa lalawigan at mga namumuno nito sa isinagawang Batangas Local Government Unit Recognition sa pagsisimula ng ika-436th Founding Anniversary ng Lalawigan ng Batangas na may temang Dangal at Yaman ng Batangas para sa taong 2017 noong ika-8 ng Disyembre 2017.
Nanguna sa pagbibigay rekognisyon sa mga Lokal na Pamahalaan at punong Bayan si Governor Hermilando Mandanas, Vice Governor Nas Ona, mga kasapi ng Sangguniang Panlalawigan, kasama ang mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan at mga lingkod bayan sa Kapitolyo na kaisang sumaksi at nagbigay pugay sa mga LGU Awardees.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Gov. Mandanas na ang pagiging dangal at yaman ng Batangas ay batay sa ipinakitang mahusay na liderato, pagsisikap at dedikasyon na maibigay sa kanilang mga kababayan ang katangi-tangi at mahusay na pagseserbisyo publiko.
Aniya, sa ganitong uri ng public service, ang mga local government units ay nagiging isa sa mga matibay na kabalikat ng pamahalaang panlalawigan sa pag-asenso sa larangan ng ekonomiya, kultura at sports.
Sa Best Local Government Unit Awards 2017, ginawaran bilang Best Local Chief Executive si Mayor Gaudioso R. Manalo mula sa bayan ng Lobo para sa kategorya ng 1st-3rd Class Municipality at Mayor Celerino A. Endaya ng Cuenca para sa 4th to 5th Class Municipality . Nakuha naman ng Munisipalidad ng Sto. Tomas (1st-3rdClass) at Munisipalidad ng Cuenca (4th-5th Class) ang Best Municipalities in Governance Award. Iginawad naman kay Mayor Beverly A. Dimacuha ang Best City Mayor at Best City in Governance para sa Batangas City.
Ilan sa mga ginawaran para sa kategorya ng Culture and Arts Awards ang El Gamma Penumbra mula sa bayan ng Tanauan City para sa Batangas Artist Award. Nakatanggap naman ng Heritage Preservation Advocate Award si Mr. Armando “Dindo” Montenegro na nagmula sa bayan ng Taal at Sining Kumintang ng Batangas mula sa Bauan para sa Folk Artist Award.
Samantala, binigyang parangal din ang mga nagkampyon sa Inter-Local Goverment Unit (LGU) Sports Competition 2017. 3rd runner up ang Tanauan City, 2nd runner up ang San Pascual, 1st runner up ang Calatagan, itinanghal na kampyon ang bayan ng San Juan at Most Valuable Player naman si Ericka Jane P. Tenoria sa Volleyball Women Category. Para sa Volleyball Men Category, 3rd runner up ang Mataas na Kahoy, 2nd runner up ang Calatagan, 1st runner up ang Batangas City, Champion naman ang bayan ng San Pascual at Most Valuable Player si Sabtal Abdul.
Kaugnay pa nito, iginawad sa Tanuan City ang 3rd runner up, Talisay ang 2nd runner up, Lemery ang 1st runner up, kampyon naman ang Lipa City at Most Valuable Player si Ryan Ollangangi sa Basketball Men Category. / Mula sa panulat nina; Criseanne Aira M. Garcia, Aimee Zaira A. Macasaet; Edwin V. Zabarte Batangas PIO