Nagkaroon ng Poster Making Contest ang Batangas Provincial Blood Council noong ika-12 ng Oktubre 2017 sa Batangas Province High School for Culture and Arts, Provincial Sports Complex Compound, Batangas City. Photo: Macc Ocampo – Batangas Capitol PIO
Napiling Best Poster ang gawa ni Daryl S. Alcaraz ng Bayan ng Calaca sa Poster Making Contest ng Batangas Provincial Blood Council, na may temang “What can I do? Give Blood. Give Now. Given often,” na ginanap noong ika-12 ng Oktubre 2017 sa Batangas Province High School for Culture and Arts, Provincial Sports Complex Compound, Batangas City.
Mula sa 31 kalahok na Senior High Schools sa Lalawigan ng Batangas, nanguna ang gawa ni Alcaraz, na sinundan ng iginuhit nina Mark Eric V. Caringal ng Lemery (2nd Place) at Jorovill Manalo ng Lobo (3rd Place). Nag-uwi ang mga Top 3 nanalo ng plake at P5,000, P3,000 at P2,000, ayon sa pagkakasunod.
Walong participants ang nabigyan ng P1,000 na consolation prize, samantalang ang lahat ng kalahok kasama ang kanilang nagsanay na guro ay nakatanggap ng tig P400.
Nagsilbing hurado sa paligsahan sina Mr. Rommel Acosta ng University of Batangas, Dr. Arlene Ontangco ng Batangas Medical Center, at Mr. Amado Hagos ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office.
Ang matagumpay na aktibidad ng Batangas Blood Council, sa pangunguna ng chairperson nitong si Mr. Jun Magana, ay naisakatuparan sa tulong nina Batangas Gov. Dodo Mandanas, Provincial Health Office, Red Cross Batangas, Batangas Medical Center, Batangas PNP, at DepEd Batangas. Millicent Ramos – Batangas Capitol PIO