Apolinario Mabini

Patimpalak Parangal

Hindi lamang pagpupugay sa isang bayaning Batangueño ang Patimpalak Parangal para kay Apolinario Mabini na maramingtaon ng isinasagawa ng pamahalaang lungsod sa pagdiriwang ng Batangas City Day tuwing ika-23 ng Hulyo na siya ring kaarawan ni Mabini, ito rin ay pagpapahalaga sa lokal na talento at kultura ng lalawigan ng Batangas.

Ayon kay Eduardo Borbon, vice chairman ng Cultural Affairs Committee, pinapahalagahan ng pamahalaang lungsod ang kultura at tradisyon ng mga Batangueño kung kayat sinisikap nitong mapalaganap at maipakilala ang mga sinaunang sining sa kasalukuyang henerasyon.

Iba’t ibang paaralan sa buong probinsiya ang naglaban laban sa pag-awit ng mga likha ng mga Batangueñong kompositor at sa mga katutubong sayaw sa limang kategorya. Ang pyesa sa solo sa elementary ay ang sikat na awiting “May Bukas Pa” ni Charo Unite.  Ang awiting “ Diwa ng Bagumbayan” ni Lorenzo Ilustre ang pyesa sa dueto sa secondary .  Nagtagisan naman ng galing ang mga mag-aaral sa Senior High category sa pag-awit ng “Munting Mundo” ni Ryan Cayabyab. Para sa vocal ensemble/treble arrangement sa tertiary level ay ang “Magtipon sa Tahanan ng Diyos” ni Augusto Espino.

Ang awiting “Laki sa Layaw” ni Isaias Argente ang pinaglabanan sa kategorya sa Pang- Kaguruan.Sa pag awit ng solo sa elementary, naging kampeon ang kinatawan ng Malitam Elementary School na si Rhain Jesus Marasigan, 2nd place si Althea Bronce ng Batangas City South ES at 3rd ang kinatawan ng Saint Bridget College (SBC) na si Irish Lara Arce.

Sa dueto, kampeon ang mga mag-aaral ng Batangas Province High School for Culture and Arts na sina Dixie Marie Sidmanao at Karl Genesis Bruno , 2nd place sina Kristine Angeline Arguelles at Ashley Collene Silang ng SBC habang ikatlong pwesto naman sina Shacelle Caldoza at Patricia Anne Marie Aguirre ng       Sta Teresa College.

Sa Senior High category, tinanghal sa unang pwesto ang De La Salle Lipa, 2nd place ang SBC at 3rd place ang Paharang SHS.

Nagkampeon sa tertiary level ang University of Batangas, nakakuha ng 2nd prize ang mga mag-aaral ng Batangas State University at ikatlong pwesto ang napanalunan ng SBC.

At sa kategorya ng faculty, 1st si Julie Anne Dimatulac ng St Mary’s Educational Institute, 2nd si Reynan Balmes ng SBC Alitagtag at 3rd si Mayette Abante ng SBC Batangas City.

Ang mga nanalo naman sa katutubong sayaw ay ang mga sumusunod:

Elementary- (Alitaptap) – First Place Sta Rita Elementary School 

Second Place – Sta Teresa College 

Third Place – Saint Bridget College 

Junior Level – (Polka sa Nayon) – First Place Marian Learning Center & Science High School

Second Place – Saint Bridget College 

Third Place – Batangas Province High School for Culture & Arts 

Senior Level – (Jota Rizal) First Place– Saint Bridget College 

Second Place – Sta Teresa College 

Third Place – Pinamucan National High Non Master

College Level – (Sayaw ng Kumintang) – First – Batangas State University 

Second Place – Saint Bridget College

Third Place – Sta Teresa College 

Faculty Level – (Jota Batanguena) First- Batangas State University 

Second- Libjo Elementary School 

Third – Saint Bridget College 

Ang mga naging hurado sa pag-awit ay sina Monette Silvestre,dating myembro ng grupong The Tux; Adrienne Antoinette Buenaventura, composer/arranger/vocal coach/session musician; music director na si Ramon Luis Silvestre at ang chairman of the Board of Judges na dating myembro ng UP Madrigal Singers at ngayon ay professor sa UP College of Music na si Patricia Silvestre.

Ang mga naging hurado naman sa katutubong sayaw ay sina Marciano Viri, Ronnie Mirabuena at Annabel Judith Lopez.(PIO Batangas City)

 

 

the noblest motive is the greatest good for the greatest number