bumaba sa unang kalahati ng taon
BATANGAS CITY-Bumaba ang crime volume with vehicular accidents sa Batangas City mula 1,260 noong Enero-Hunyo 2017 hanggang 1,172 ng kagayang panahon ngayong 2018 o pagbaba ng 88 kaso.
Sa kanyang report sa pagpupulong ng Technical Working Group at City Advisory Council, inilahad ni Batangas City Police Officer in Charge PSupt. Sancho Celedio na sa unang kalahating taon ng 2018, ang vehicular accidents ay umabot sa 892 habang ang index crimes ay 114 at ang non-index ay 166.
Ang mga index/8 focus crimes ay: physical injuries (40), theft (21), murder (19), robbery (18), motor- napping (8), rape (4), homicide (3) at carnapping (1).
Ang average monthly crime rate ay 13.90%, ang crime clearance efficiency ay 87.86% at ang crime solution efficiency ay 60.71%.
Ang 10 nangungunang barangay na pinakamarami ang focus crimes ay ang Poblacion (24 barangays), Alangilan, Balagtas, Sta. Clara,Cuta, Kumintang Ibaba, Pallocan Kanluran, Bolbok, Calicanto at Tulo.
Sa Anti Illegal Drugs campaign, 82 operations ang naisagawa, 131 personalidad ang naaresto at nakumpiska ang 133.95 grams na shabu at 15.57 grams na marijuana na lahat ay may estimated value na P531,128.50.
Sa Oplan Tambay, nahulil subalit hindi ikunulong ang 28 nag-iinom, 20 nagsisigarilyo, at 27 nakahubad sa publiko, 15 sa paglabag sa curfew at 19 na iba pa.
Sa anti illegal gambling, nakapagsagawa ng 35 operations kung saan 106 katao ang naaresto at may P11,335 ang nakumpiskang pera.
Nanawagan si Celedio sa mga mamamayan na i report agad sa pulis ang anumang nalalamang krimen upang ito ay masolusyunan. Mahalaga aniya ang tulong ng buong komunidad sa kapulisan sa pagtugon sa kriminalidad at pagsugpo nito. (PIO Batangas City
Agapay Kabayan
Batangas Provincial Police nag outreach program sa barangay
BATANGAS CITY- Mahigit na 200 residente ng barangay Wawa ang nakinabang sa isinagawang “Agapay Kabayan Program” ng Batangas Provincial Police Office (BPPO) kung saan ibat’t ibang serbisyo ang kanilang ipinagkaloob.
Nagsagawa sila ng medical at dental mission kasama na ang pamimigay ng libreng gamot, feeding sa mga bata at circumcision. Nagkaloob din sila ng legal assistance.
Sinabi ni PS/Supt. Edwin Quilates, BPPO director, na ang proyektong ito ay naisagawa sa pakikipagtulungan ng barangay Wawa at mga ahensiyang sumusuporta sa BPPO sa pagkalinga sa mga taga Batangas.
“Nag conduct ako ng ganitong dental-medical mission at feeding program upang makapagbigay ng direkteng serbisyo sa mga mamayan, nagkataon lang na aking kaarawan ngayon kaya isinabay ko na ang pagkakataon ito kesa mag handa ako ng magarbong handaan ay ito na lang kasi nais ko i share ang ating blessing sa mga less fortunate,” sabi ni Quilates. (PIO Batangas City)