Atletang Tanaueño na Humakot ng mga Ginto

LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas- Pormal na binigyang pagkilala sa lungsod na ito ang mga namayagpag na atletang Tanaueño na humakot ng mga ginto at iba pang medalya mula sa iba’t ibang kompetisyon.

Sa isinagawang flag raising ceremonies noong Disyembre 4, 2017, nanguna si City Mayor Antonio C. Halili kaisa sina City Vice Mayor Jhoanna C. Corona at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, sa paggagawad ng plake ng pagkilala para sa mga manlalarong nag-uwi ng medalyang ginto mula sa katatapos na Batang Pinoy 2017. Kabilang dito ang Tanauan City Baseball Team, Tanauan City Softball Team at si Ethan Roy Go na nagwagi ng tatlong (3) gintong medalya sa swimming competition sa mga kategoryang 200m breaststroke, 200m individual medley at 400m individual medley. Nagkamit din siya ng dalawang (2) silver medals para sa 50m breaststroke at 100m breaststroke categories.

Ilan pa sa mga wagi ng silver medals ang Tanauan City Sepak Takraw Team at si Darla Bernadethe Swing sa 800m freestyle category ng swimming competition na nakapag-uwi din ng   bronze medal sa 400m freestyle category gayundin ang mga taekwondo players na sina Von Linus Paulin ng flyweight category at Denielle Sherie Baja ng heavyweight category.

Pasok naman na National Finals qualifiers ang Swimming Team na binubuo nina Ray Jason L. Rosales, Lucia Claire D. Evangelista, at Shantal Evangelista.

Sa naging pahayag ni Mayor Halili, muli nitong binigyang diin ang opisyal na slogan ng lungsod, ang “Tanauan, the Best Ka!,” bilang inspirasyon ng mga batang manlalaro.

Kabilang sa mga pinasalamatan at binigyan ng pagkilala ni City Sports Development Officer Fortunato “Tato” Dimayuga, Jr. ang iba pang mga bumubuo ng delegasyon ng lungsod na sina Teddy Pol Landicho, Luisito Mercado at Terence L. Vispo (Tanauan City Basesball Team); Ramil V. Mercado, Joselito Villanueva at Jerryflin M. Geroche (Tanauan City Softball Team); Jhon Romar Buenaceda (Swimming); Johndel Lavariño (Tanauan City Sepak Takraw Team); Seigfred Neil Uy (Taekwondo) at Baseball Coordinator na si Kapt. Celestino Pamute.

Samantala, ginawaran din ng kaukulang pagkilala ang Tanauan City Mustang 9 Baseball Team makaraang tanghaling Kampeon sa isinagawang Malarayat Baseball Tournament sa Lipa City noong nakaraang buwan ng Nobyembre.

 

the noblest motive is the greatest good for the greatest number