Tanauan Update 2018

 

Philippine Quality Award

 Iginawad  ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa TanauanCity Tinanggap ni Acting City Mayor Benedicto C. Corona ang plake ng Philippine Quality Award na iginawad ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa TanauanCity sa isinagawang 2015-2017 PQA Conferment Ceremony sa Palasyo ng Malacañang noong Oktubre 24, 2018. Makikita rin sa larawan ang mga bumubuo ng delegasyon ng lungsod na sina Acting Vice Mayor Eric Manglo, Kon. Joseph Castillo, Kon. Jun Goguanco, Sangguniang Kabataan Federation President John Kennedy Macalindong, Kon. Angel Atienza at Kon. Lim Tabing kasama sina Ms. Jacq Landicho, OIC-HRMDO, City Accountant Ms. Gina Juntilla, Budget Officer Ms. Taciana Siongco, City Assessor Liza Gonzales, SP Secretariat Ms. Regina Aala-Ocampo at City Cooperative Officer Ms. May Fidelino. (Photo Courtesy: (KALIWA) Presidential Communications (Government of the Philippines)’s Facebook Page / Screenshot; (KANAN) Jun Mojares)

LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas – Malugod na tinanggap ng pamahalaang lungsod, sa
pangunguna ni Acting City Mayor Benedicto C. Corona bilang kinatawan ni Mayor Jhoanna
Corona-Villamor, Acting Vice Mayor Eric Manglo, ilang miyembro ng Sangguniang
Panlungsod at ibang department heads, ang plake ng prestihiyosong Philippine Quality
Award o PQA, na iginawad ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa isinagawang 2015-2017
PQA Conferment Ceremony sa Palasyo ng Malacañang noong Oktubre 24, 2018.
Ang PQA ay ang pinakamataas na antas ng pagkilala na ibinibigay ng pamahalaan para sa
mga natatanging pribado o pampumblikong tanggapan na nakapagpamalas ng kahusayan
sa larangan ng “Total Quality Management.”
Taong 1997 nang maitatag ang PQA sa pamamagitan ng Executive Order No. 448 ni Dating
Pangulo Fidel V. Ramos. Ang pagkakaloob ng karangalang ito ay pinangangasiwaan ng
Department of Trade and Industry (DTI) kung saan ang pagbibigay ng halaga sa kalidad ng
serbisyo o pagganap sa katungkulan ng mga organisasyon ay naisabatas sa pamamagitan ng

Republic Act No. 9013 o mas kilala bilang “Philippine Quality Award Act of 2001”. Ang
Tanauan City ang ikatlong local government unit (LGU) pa lamang na nakasungkit ng
karangalang ito at ang natatanging LGU na napabilang sa “18 th to 20 th Cycles PQA recipients”.
Ang mga lokal na pamahalaan na nauna nang nagawaran ng nasabing parangal ay ang mga
lungsod ng Marikina (1998 at 1999) at Makati (2000).
Kabilang pa sa mga dumalo sa “conferment ceremony” sina Liga ng mga Barangay (LnB)
President Kristina Gayanilo-Fajardo, City Planning Development Officer Ms. Aissa Malabuyo-
Leyesa, City Treasurer Fernando Manzanero at City Veterinarian Dr. Aries Garcia.(CIO
Tanauan/LACV) #

Pledge of Commitment

LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas – Isang “Pledge of Commitment Signing” ang sama-samang nilagdaan ng higit 1,400 na kandidato ng “2018 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections” sa lungsod na ito noong Abril 27, 2018 sa President JP Laurel Gymnasium I.

Layunin ng aktibidad na ito na magsama-sama at magkaisa ang mga nagnanais maglingkod sa kani-kanilang barangay sa hangaring magkaroon ng isang matapat, mapayapa at matahimik na eleksyon sa darating na Mayo 14, 2018.

Kabilang sa mga mahahalagang tinalakay sa nasabing okasyon ang mga alituntuning ipatutupad sa magaganap na eleksyon na sang-ayon sa itinatakda ng batas, partikular ang “campaign rules” kung saan pinangunahan ni Ricky Juan B. Reyes, City Election Officer ang pagpapaliwanag ng mga dapat at hindi dapat gawin sa panahon ng kampanya hanggang araw ng botohan.

Sa kanyang mensahe, hinimok naman ni City Mayor Antonio C. Halili ang lahat ng kandidato na samahan siya sa patuloy niyang programa kontra ilegal na droga.

Maaalala na buhat ng mahalal siya noong 2013, inumpisahan na niya ang malawakang kampanya laban sa “illegal drugs” sa lungsod ng Tanauan. Ito ang nagbunsod sa pagsuko o pagka-aresto sa mahigit 2,400 “suspected drug personalities,” na kung saan 475 ang nasampahan ng karampatang kaso at kasalukuyang nakakulong sa Tanauan City Jail.

 “Kung hindi n’yo kayang lumaban sa illegal drugs ay huwag na kayong kumandidato,” ang mariing hamon ni Mayor Halili.

Sa direktiba ni Mayor, sumailalim sa isang “on the spot drug test” ang mga kandidato upang ipakita at patunayan na di sila gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Inaasahan naman ng mga dumalong opisyal ng lungsod at kinatawan ng iba’t ibang opisina na ang bawat kandidatong lumagda sa “Pledge of Commitment” o “Peace Covenant” ay tutupad sa mga alituntunin at susunod sa mga itinakdang panuntunan ng gaganaping eleksyon.

LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas— Muling pinatunayan ng mga atletang Tanaueño ang kanilang husay sa baseball at softball matapos nilang iuwi ang gintong medalya sa katatapos lamang na 2018 Palarong Pambansa  na ginanap noong Abril 15-21 sa Vigan, Ilocos Sur.

Nakuha ng koponan ng Tanauan sa elementary baseball at secondary softball ang kampeonato sa naturang torneo. Samantala, nasungkit naman ng mga manlalaro ng secondary baseball, football secondary at swimming ang bronze medals.

Bukod pa rito, ilang individual awards din ang nakuha ng mga atletang Tanaueño sa larangan ng softball at baseball. Tinaguriang ‘Hakot King’ si Liam Alexei De Vera matapos siyang itanghal bilang Most Valuable Player, Best Hitter, Best Pitcher, Most Number of Runs Batted In, at Most Number of Stolen Bases sa larangan ng Elementary Baseball. Kinilala naman sina Ray John Del Rosario bilang Best Fielder at Most Number of Struck Out  at Chinelle T. Manabat bilang Best Batcher sa parehas na ‘sports discipline’. Sa secondary baseball, pinarangalan naman bilang ‘Homerun King’ si Efril Ian Mercado. Samantala, tinanggap naman ni Royevel Palma ang parangal bilang Most Valuable Player at Best Pitcher sa Softball Secondary Girls.

Bilang pagkilala sa mga manlalarong Tanaueño, binigyang parangal sa isinagawang flag raising ceremonies noong Abril 23 ng lokal na pamahalaan, sa pangunguna ni Mayor Antonio C. Halili, ang buong delegasyon ng Tanauan sa Palarong Pambansa.

Nagpakita rin ng suporta ang mga bumubuo ng Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Atty. Jhoanna C. Corona kasama sina Kon. Lim Tabing, Kon. Joseph Castillo, Kon. Atty. Gileen Canobas-Manaig, Kon. Herman Trinidad, Kon. Ben Corona, Kon. Eric Manglo, Kon. Jun Goguanco at Sports Development Office Department Head Fortunato Dimayuga Jr.

 (CIO Tanauan- Louise Anne C. Villajuan / Photo Courtesy: Roderick Lanting | April 26, 2018)

SAGWAN TANAUAN, PATULOY NA NAMAMAYAGPAG SA DRAGONBOAT COMPETITIONS

Sa isinagawang courtesy call ng Sagwan Tanauan kasama sina Philippine Canoe Kayak Federation (PCKF) President Jonne Go at Coach Len Escalante sa opisina ni Mayor Antonio C. Halili noong Abril 18, buong pagmamalaking ipinrisenta ng koponan ang nakamit na tropeyo matapos silang itanghal na kampeon sa nakalipas na 1ST leg ng 2018 Philippine Canoe and Kayak Federation, Inc. (PCKDF) Club Crew Challenge (Men’s Category- Standard Boat) na ginanap sa Manila Bay noong Marso 4, 2018. Bukod pa rito, pito sa mga miyembro ng Sagwan Tanauan ang nakabilang sa Philippine Team na makikilahok sa gaganaping Asian Games 2018 sa Indonesia sa darating na Agosto. Samantala, bago pa man tumulak ang grupo patungo sa Indonesia, nakatakdang sumabak sa 2nd leg ng 2018 PCKDF Club Crew Challenge ang koponan sa darating na Hunyo 3 na gaganapin sa Manila Bay. (CIO Tanauan-LACV | Photo Courtesy: Jun Mojares / April 19, 2018)

5th PARADE OF LIGHTS DINUMOG NG LIBO LIBONG MANONOOD.
Lalong naging makulay ang bagong City Hall na kung saan ay dito nagtapos ang makulay na parada ng mga ilaw. Tinanghal na Champion ang Wrap And Carry-JCI Laubini, 1st Runner-Up Citimart, 2nd Runner-Up FAITH.
 Dinagsa ng manonood ang isinagawang Parade of Lights sa ikalimang pagkakataon. Maraming mga kababayan natin sa Karatig bayan ang sumaksi sa isinagawang parada ng mga Makukulay na Ilaw.

LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas- Bagama’t tuloy-tuloy ang pag-ambon ilang oras bago ang pagtatanghal ng “5thTanauan City Parade of Lights”, hindi ito inalintana ng libo-libong nanood ng parada ng mga nagliliwanag, makukulay, naggagandahan at naglalakihang “floats” o karosa noong gabi ng Marso 10, 2018 na mas dumami pa kumpara noong nakaraang taon.

Bumida ang mga “character-themed floats” na mas pinag-isipan, mas pinaghirapan at nag-level-up ngayong taon. Mas marami din ang nakiisa kahit mas mahabang kilometro ang binagtas ng parada na nasa kabuuang 4.3 km. mula Waltermart mall sa Barangay Darasa patungong Pres. J.P. Laurel Highway at nagtapos sa bagong city hall sa Laurel Hill, Barangay Natatas.

Walang tigil ang dagsa ng mga namanghang manonood mula sa iba’t ibang lugar sa bawat kalye na dinaanan ng 30 karosa tampok ang mga karakter nina “Iron Man” ng Tanauan City; “Beauty and the Beast” ng JCI LauBini/Wrap and Carry Supermarket na muling itinanghal na Champion sa “Best Float Category” sa ikaapat na pagkakataon; “Mariposa” ng TJ Marc Sales Corporation (Citimart) na nagwaging 1st runner-up; at “Dragon” ng First Asia Institute of Technology and Humanities (FAITH) na nanalo ng 2nd runner-up.

Ilan pa sa mga hinangaang floats ang kinatampukan ng mga karakter sa pelikulang “Finding Nemo”, “Barbie Dolls”, at ang float na pelikulang “Avatar” ang tema.

Ipinaabot ni Mayor Antonio C. Halili ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa mga kababayan, investors, business owners at mga turista mula sa malalayong lugar na nakiisa at sumuporta sa “Parade of Lights Festival.” Buong pagmamalaki ring ipinahayag ng alkalde sa mensahe nito sa isinagawang “flag raising ceremonies” noong Marso 12, 2018 na sa pamamagitan ng resolusyong ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas, ang pagdaraos ng “Parade of Lights” ay ekslusibo lamang sa Tanauan City at walang ibang lugar sa probinsiya ang pinapahintulutang magsagawa ng kaparehang pagdiriwang.

Ang iba pang tinanghal na “winners” na tumanggap ng kaukulang cash prizes sa isinagawang “awarding ceremonies”  ay kinabibilangan ng DMMC Institute of Health Sciences (Champion), Rampa Republic (1st runner-up), Christian College of Tanauan (2nd runner-up), at Tanauan Institute Inc. (3rd runner-up) para sa Best in Street Dance category; Christian College of Tanauan (Champion), Rampa Republic (1st runner-up), DMMC Institute of Health Sciences (2nd runner-up), at Tanauan Institute Inc. (3rd runner-up) para sa kategorya ng Best in 5-minute dance. Ang mga nagwagi para sa Best in Costume ay kinabibilangan ng DMMC Institute of Health Sciences (Champion), Rampa Republic (1st runner-up), Christian College of Tanauan (2nd runner-up), at Tanauan Institute Inc. (3rd runner-up).

Ilang special awards din ang ipinagkaloob para sa mga “competing floats” gaya ng Best in Craftsmanship at Most Creative Design na parehong nasungkit ng JCI Tanauan LauBini/Wrap & Carry Supermarket, at ang Best in Special Effects na napanalunan naman ng TJ Marc Sales Corporation (Citimart).

Naroon din para magbigay suporta sina Vice Governor Nas Ona, 3rd district Board Members Devs Balba at Fred Corona, ang buong miyembro ng Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Jhoanna Corona-Villamor, mga kapitan ng barangay sa pangunguna ni ABC President Polmark Fajardo, city government department heads at mga kawani sa pangunguna naman ni City Administrator Atty. Junjun Trinidad.

Kabilang naman sa mga nagsilbing celebrity judges sina Garie Concepcion, Duncan Ramos, Hashtag Kid at Ahwel Paz gayundin ang iba pang celebrity guests na sina Jairus Aquino at Mag-TV Atin ‘To hosts na sina Claro at Christine.

Ang 5th Parade of Lights ngayong taon ay bahagi ng pagdiriwang ng 17th Cityhood at 434th Founding Anniversary ng Lungsod ng Tanauan.#

Sandosenang Sapatos

Nagpakita ng kanilang mga Talento ang Teatrong Siklat, na kung saan ang mga magaaral na kabataang Tanaueño ang mga Gumanap sa Sandosenang Sapatos. 

Parade of Lights, muling aarangkada sa Tanauan
LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas- Muli na namang matutunghayan ng sambayanan ang pinakaaabangan at kapana-panabik na taunang Parade of Lights kaugnay ng selebrasyon ng lungsod na ito ng ika-17 cityhood at 434th founding anniversary sa darating na Marso 10, 2018.
Magsisimula ang parada sa harap ng bagong city hall sa Barangay Natatas sa ganap na 6:00 ng gabi patungong palengke at Laurel highway at magtatapos sa Plaza Mabini ng Barangay Poblacion 2 kung saan isasagawa ang isang programa at awarding ceremonies
Kabuuang 28 na naggagandahan at nagliliwanag na mga floats ang iniulat na kabibilangan din ng iba’t ibang grupo ng street dancers.

Ang mga gantimpalang nakatakdang igawad ay kinabibilangan ng  3rd,2nd at Best Float; Best in Craftsmanship; Best in Special Effects at Most Creative Design.  Kaugnay pa rin ng cityhood celebration, magkakaroon ng on-the sport painting contest, film viewing, asian traditional games demo maging wood carving para sa Art @ The Avenue Program na isasagawa sa Marso 11, 9:00 ng umaga sa Plaza Mabini. Susundan naman ito ng ABS-CBN Regional Kapamilya Karavan sa gabi, 6:00 p.m. – 8:00 p.m. na kabibilangan ng mga sikat na Kapamilya Stars.  Nag-umpisang isagawa sa lungsod ang “Parade of Lights” taong 2014 kung saan naging tanyag ang Tanauan City makaraang dagsain ito ng mga libo-libong tao partikular ang mga turista mula sa iba’t ibang bayan at probinsiya.

Sa bisa ng Republic Act No. 9005 o “An Act of Converting Municipality of Tanauan Into a Component City to be known as the City of Tanauan,” na naratipikahan sa pamamagitan ng isang plebisito noong Marso 10, 2001, ganap na naging lungsod ang Tanauan.#
TANAUAN ANNOUNCEMENTS

Pinangunahan ni Mayor Thony C Halili at Vice Mayor Jhoanna Corona-Villamor ang isinagawang Flag Ceremony ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan.

Binigyan ng pagkilala ang mga Manlalarong Tanaueño na naguwi ng Karangalan sa ating Lungsod matapos na maguwi ng mga Medalya,
sa katatapos na STACAA.

Binigyan naman ng P50,000 ng Pamahalaang Lungsod ang isang Centenarian na si Mrs Flocerfida Z. Salazar mula sa City Government of Tanauan.

Sa pagbibigay naman ng mensahe ni Mayor Thony C Halili sa mga Empleyado ay inilahad nya ang mga pagtaas ng bilihin sa mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan, kung kaya gumawa sya ng Proposal para madagdagan ang sweldo ng mga Job Order Employee, na labis naman ikinatuwa ng mga Empleyado.

BFP magdaraos ng fun run sa March 10 

Inaanyayahan ang lahat na lumahok sa “Takbo Laban sa Sunog” fun run ng Bureau of Fire Protection(BFP) sa March 10, 5:00 ng umaga sa SM City Batangas parking area bilang kick-off activity sa pagdiriwang ng Fire Prevention Month sa Marso.

Ang pagdiriwang ay may temang “Ligtas na Pilipinas ang ating hangad, pag-iingat sa sunog, sa sarili ipatupad”.

Layunin ng fun run na ito na mapalawak ang kamalayan ng mga tao sa kahalagahan ng pag-iingat at pagiging ligtas sa sunog bilang responsibilidad ng bawat isa.

Sinabi ni Fire Marshal Glenn Salazar ng BFP Batangas City na ang pag-iwas sa sunog ay kailangang magsimula sa pamilya na syang “basic unit of society” kung kayat kinakailangan itong paigtingin sa loob ng tahanan. “Kung ito ay makakasanayan o makakaugalian, madadala ito kahit saan,” dagdag pa ni Salazar.

Ang 5.2 km.- fun run ay may registration fee na P 250.00 upang makalikom ng pondo na gagamitin sa improvement ng serbisyo ng BFP. Mayroong kategorya para sa matanda at bata gayundin sa mga babae at lalaki. Sixty percent ng kikitain dito ay gagamitin ng Provincial BFP upang mapalakas ang pagresponde nito sa sunog habang ang 40% naman ay mapupunta sa BFP Batangas City. Anim na portable hand-held radio at portable speaker ang nabili ng ahensya noong nakaraang taon mula sa proyektong ito.

Para sa mga nagnanais lumahok, maaaring magpatala sa central fire station sa barangay Bolbok o bisitahin ang official facebook account ng BFP Batangas City.

Kaagad susundan ang fun run ng zumba dance na tinagurian namang “Sayaw Laban sa Sunog” kung saan inaasahan na may 1,500 participants ang lalahok mula sa lahat ng tanggapan ng BFP sa CALABARZON. Ito ay gaganapin din sa parking area ng SM.

Sa March 15 naman isasagawa ang City Fire Olympics sa city oval ground kung saan magsasama sama ang mga volunteer fire brigades ng mga barangay at industriya upang mahasa sa ibat-ibang fire- fighting skills at drills. Ang mga lalahok dito ay produkto ng isinasagawang “Ugnayan sa Barangay” ng BFP.

Kaugnay nito, ang BFP Batangas City ang magsisilbing host ng Urban Fire Olympics – provincial level sa Provincial Sports Complex na gaganapin sa March 23. Ang magwawagi dito ang magiging kinatawan sa Regional Fire Olympics sa Camp Vicente Lim sa Laguna.

Samantala, iniulat ng BFP na mayroon lamang pitong structural fires na naganap sa lungsod noong 2017 kumpara noong 2016 kung saan mayroon lamang 12 insidente.

Kayat sa pagpasok ng tag-init kung saan gagamit ang lahat ng ibat-ibang electrical appliances na magdudulot ng paglakas ng paggamit ng kuryente, tinatagubilinan ni Sr Inspector Salazar ang publiko na iwasan ang electrical overloading sapagkat ito ang isa sa mga pangunahing dahilan ng sunog.

Motorcycle Riders  Dumagsa sa City Hall ng Tanauan City

Dumagsa sa City Hall ng Tanauan City ang mga Motorcycle Riders na mula pa sa iba’t ibang Lugar sa Metro Manila at Calabarzon at mga Karatig Probinsya na .
Nagsagawa sila ng mga Lecture sa ating mga Local Riders ng tamang paggamit ng mga Motorsiklo.

Nagkaroon din ng actual na training sa Rider ng motorsiklo. Libo libo ang nakilahok sa kanilang mga isinagawang Seminar Training

FIRST TEE BALL TOURNAMENT

 

Nagsimula na ang kauna unahang Tee Ball Tournament para sa Elementarya na nilahukan ng halos lahat ng Barangay at mga Private School.

Ito ang programa para sa mga Kabataan upang Masanay sa kanilang mga Paglalaro mula sa kanilang pagkabata.

Dinaluhan ito ni Mayor Thony C Halili, Vice Mayor Jhoanna Corona-Villamor, kasama ang mga ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na sina Konsehal Ben Corona, Konsehal Eric Manglo, Konsehal Gileen Canobas-Manaig, Konsehal Herman Trinidad, Konsehal Lim Tabing upang Saksihan ang kauna unahang TEE Ball Tournament.

Ang Programang ito ay Pinangunahan ni Sports Development Commissioner Mr Tato Dimayuga kasama ang kanyang mga Staff, at ang mga Coaches na nag Boluntaryo upang magturo sa mga Batang Maglalaro.
Ang mga ito ay ang mga Dating Player na naging Scholar sa mga Unibersidad sa Metro Manila.

           KASALANG BAYAN 2018 SA TANAUAN

LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas- Pinangunahan ni Mayor Antonio C. Halili ang pangangasiwa ng seremonya ng kasal ng 55 pares na magsing-irog na nagsipag-isang dibdib sa isinagawang  Kasalang Bayan  noong Pebrero 14, 2018.

Layunin ng taunang programang ito na makapagbigay ng libreng seremonya ng kasal tuwing buwan ng Pebrero sa mga magkasintahang residente ng lungsod.

Bukod sa libreng seremonya, sagot na rin ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Local Civil Registry (LCR) ang libreng cake, aras, bridal bouquet, buttoner ng groom, veil ng bride, photo booth services at bamboo fan bilang invitation.

Bago matapos ang programa, isinagawa  ang raffle prizes para sa mga bagong kasal kung saan kabilang sa mga napanalunan ay durabox, electric fan, washing machine, mga consolation prizes mula sa punong lungsod at mga wedding gifts mula sa iba pang mga opisyal.

SILVER ANNIVERSARY

Binabati po natin ang ating mga kapatid na miyembro ng TAU GAMMA PHI OF TANAUAN CITY COUNCIL na nagdiwang ng kanilang ika 25 taong Anibersaryo. TRISKELIONS’ of TANAUAN CITY COUNCIL BATANGAS.

Grand Salute!!!

LOCAL HEALTH BOARD MEETING

ON  DENGVAXIA VACCINE. 

Sa isinagawang meeting ng Local Health Board ay labis na pangamba ni Mayor Thony C Halili

 

dahil sa naging epekto ng Bakuna na DENGVAXIA sa ating mga Kabataan.

Dito sa ating Lungsod ay merong 2,386 na magaaral sa Public School ang nabakunahan

ng Kontrobersyal na DENGVAXIA.

Agad ay pinaalam ni Mayor ang mga pangalan ng mga Kabataan at mga magulang nito

upang mabigyan ng tamang mga impormasyon kung sakali man na sila ay may makitang Sintomas ng Dengue.

Ipinaabot din sa mga magulang ng mga batang ito na kung makikitaan nila ng

Sintomas ng Dengue o kaya ay lalagnatin ang kanilang mga Anak ay wag na patagalin pa at

dalhin na agad sa pinakamalapit na Ospital.

Makikipag ugnayan naman ang City Health Office sa mga miyembro ng Tanauan

Medical Society at ang Pakikipagtulungan ng mga Pribadong Ospital, upang hingin
ang tulong para sa pagbibigay ng mga Tamang Impormasyon, sa lalong madaling panahon.

Muling pinangunahan ni Mayor Thony C Halili ang Regular Flag Ceremony ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan kasama ang ating mga konsehal at mga empleyado ng City HAll.

Sa pagbibigay ng mensahe ni Mayor sa lahat ay muli nyang inulit ang kanyang palaging sinasabi na ANG ATING MGA NAGAWA NG NAKARAANG ARAW AY HINDI PA SAPAT, KAYA , PATULOY NATING PAG IBAYUHIN ATING PAGLILINGKOD AT PAGBIBIGAY NG MAGANDANG SERBISYO SA ATING MGA KABABAYAN.

Binigyang pagkilala ng ating Lungsod ang mga Kabataan na magaaral sa Multiple Intelligence Learning Center na nag uwi ng mga Karangalansa iba’t ibang Kategorya.

Ganun din ang mga Estudyante ng Tanauan City College na pinangungunahan ni TCC President Mike Lirio tumanggap din ng mga parangal, maging ang ating mga ROTC Cadet na kinilala ng Armed Forces of the Philippines.

the noblest motive is the greatest good for the greatest number