Mga floats ni Bb. Lungsod ng Batangas Queenie Faye Espeleta at mga runners-up, mga business establishments, schools, bikers groups at iba pang sektor ng komunidad ang lumahok sa civic-military parade sa pagdiriwang ng Batangas City Fiesta ngayong January 16.
Queenie Faye Espeleta and nanalong Bb. Lungsod ng Batangas 2018
Si Queenie Faye Espeleta and nanalong Bb. Lungsod ng Batangas 2018. Kasama niya mula kaliwa sina Cong. Marvey Mariño, Mayor Beveley Rose Dimacuha, Ma. Claret Ellaine Carandang 3rd runner-up, Princess Razene Almacen 1st runner-up, Arzel Eve De Mesa 2nd runner-up at Si Biance Perez 4rth runner-up
Kumintang Ilaya beauty ang Bb. Lungsod ng Batangas 2018.
Naging maswerte ang birthday ng 20-year old at Tourism student na si Queenie Faye Espeleta ng Barangay Kumintang Ilaya dahil sa araw na ito nakuha niya ang korona ng Bb. Lungsod ng Batangas 2018.
Siya ang naging best sa may 20 kandidata na lumahok sa beauty contest na ito.
“Pinagdasal ko talaga na makuha ang crown ngayong araw ng birthday ko kaya naman overflowing ang nararamdaman kong kasiyahan,” sabi ni Espeleta.
At kung totoo na lucky color ang red para sa mga Chinese, stunning ang beauty ni Espeleta sa red gown na creation ng beterenang Batangueña fashion designer na si Rene Salud at siya ring nagpapanalo sa kanya bilang Best in Long Gown. Siya rin ang nakasungkit ng mga awards na Best in Filipiniana Costume at Best in Swimsuit.
Si Espeleta ay nanalo na rin ng iba pang beauty titles kagaya ng Prinsesa ng Kumintang 2016 at Ms CITHM sa Lyceum of the Philippines University Batangas kung saan dito siya nag-aaral.
Isa aniya sa mga bagay na natutunan niya sa pagsali rito ay ang pagkakaroon ng tiwala sa kanyang sarili. “Sa pagkakapanalo ko ng titulong ito ay inaasahan kong mas maraming malalaki at magagandang opportunities na darating sa akin,” dagdag pa ni Espeleta.
Sinabi din niya na mas magiging involved siya sa community lalo na at isa sa kanyang isusulong na advocacies ay ang pangangalaga sa mga kabataan sapagkat naniniwala siya na ang mga ito ang future leaders ng susunod na henerasyon.
Nanalong 1st runner- up si Princess Razene Almacen ng barangay Kumintang, 2nd runner- up si Arzel Eve De Mesa ng Kumintang Ilaya, 3rd runner- up si Ma Claret Ellaine Carandang ng Conde Labac at 4th runner- up si Bianca Perez ng Bolbok.
Tinanggap ni Coun. Alyssa Cruz, Chairman ng Committee on Education ng Sangguniang Panglungsod, ang halagang P 140,000 mula kay Bb Lungsod ng Batangas – Charity na si Andrea Loise Macaraig ng Pallocan East. Si Cruz ang kinatawan ng Dep Ed na syang napiling beneficiary ng naturang fund- raising project. Si Macaraig din ang nagkamit ng Smart Texter’s Choice Award.
Bukod sa naging promotion ng turismo ng bansa sa tagline na “ It’s More Fun in the Philippines” ang overall production ng pageant night, naging showcase rin ito ng mga naggagandahan at makulay na mga gowns ni Salud kung saan nagsilbing inspirasyon sa kanyang pagdidisenyo nito ang kultura ng Luzon, Vizayas at Minadano. Maraming taon ng nagisisilbing official gown designer ng Bb. Lungsod ng Batangas si Salud.
Naging guest performers ang popular singer na si Jona Viray, actor ng teleseryeng “Wildflower” na si Joseph Marco, at mga stand- up comedians na sina Arnel Lachica at Jayo. Itinampok din dito ang mga local talents ng lungsod kagaya ng grupong Kazaokatu at BSU Dance Company, Don Amuel Abanta na naging contestant ng “I Can See Your Voice” show ng ABS CBN, at Aaron Cynric Regala na magiging bahagi ng Philippine Team sa 22nd World Championship of Performing Arts sa Hulyo.
Nagsilbing front act ang mga kawani ng pamahalaang lungsod mula sa City Mayor’s Office , City Engineer’s Office at City Environment and Natural Resources Office na nagwagi sa Subli Street Dance competition noong nakaraang taon gayundin ang mga mag-aaral na nagwagi sa pag-awit sa Patimpalak Parangal kay Apolinario Mabini. Ipinakita rin ang bahagi ng kasaysayan at pag-unlad ng Batangas City sa audio-visual presentation na “Ituloy Natin ang Saya sa Patuloy na Tagumpay ”. Ronna Endaya Contreras PIO Batangas City.