2018 Binibining Batangas Candidates

Ipinakilala   sa Publiko

2018 candidates sa kanilang motorcade sa loob ng poblacion .

Ito ay sinundan ng press conference sa Batangas City Convention Center kung saan tinanong sila sa kanilang opinion sa iba’t ibang issues.


Marami sa mga kandidata ang ayaw sa pre-marital sex subalit pabor naman sa same sex marriage dahilan sa naniniwala sila sa equal rights ng isang tao maging anoman ang kanyang gender. Sumasangayon din sila sa war on drugs ni Pangulong Duterte.

Nagkaisa naman ang mga ito sa pagsasabing ang kanilang iniidolo
at itinuturing na role model ay si Ms Universe 2015 Pia Wurtzbach..

Naniniwala din sila na mas dapat sundin ang payo ng mga magulang kaysa sa mga nababasa at nauuso sa social media.
Ilan naman sa kanilang magiging advocacy kung sakaling papalaring manalo ay ang pagsusulong sa turismo, pangangalaga sa kapaligiran, pagpapaunlad ng kalusugan at ng antas ng edukasyon sa lungsod.
Naging early favorites ng mga lokal na mamamahayag sina contestant Number 1 Arzel Eve De Mesa ng barangay Kumintang Ilaya, # 5 Andrea Loise Macaraig ng Pallocan East, # 9 Michelle Anne Mendoza ng Sta Rita Aplaya, # 10 Quennie Faye Espeleta mula sa Kumintang Ilaya, # 14 Anthea Jean Arante ng Kumintang Ibaba at # 18 Princess Razene Almacen ng Kumintang Ilaya.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Cultural Affairs Committee Vice-Chairman Eduardo Borbon na ang Bb Lungsod ng Batangas ang pinaka unang beauty pageant sa lalawigan.

the noblest motive is the greatest good for the greatest number